TABA Finalists

Ano ang TABA 2010? | TABA 2010 Winners |     TABA 2010 Finalists |     TABA 2010 Nominees

Eto na ang listahan ng mga finalist. Ang mga finalist ay ang TOP 3 nominated bloggers. Iboto ang sa palagay mo ang PINAKAdeserving makakuha ng award. Ito ay hanggang January 23, 2010, 9PM.

Best Humor Video Post of the Year – Para ito sa blogger na sa tingin mo ay nakiliti ang iyong puso sa nakakatuwang video post nya sa kanyang blog.

Best Post of the Year – Post ng isang blogger (mula  Enero 1 2010 hanggang Enero 6, 2011) na sa tingin mo ay pumukaw sa iyong damdamin – halatang mula sa kanyang puso at pinigang isipan.

Best Personal Post of the Year – Pinakamahusay na pagpapahayag ng personal na kaisipan, kuru-kuro ukol sa isang paksa (mula  Enero 1 2010 hanggang Enero 6, 2011). Maaaring tungkol lamang sa kanyang sarili at kanyang mga karanasan.

Best Emo Post of the Year – Pinakanakakadugo ng puso post mula Enero 1, 2010 hanggang Enero 6, 2011. Kulang na lang, tumalon mula 100th floor ang blogger na sumulat.

Best Blog Design - O sige, siya na ang magaling magdesign. Siya na designer – malinis ang itsura ng blog. Tama ang timpla ng kulay at hindi FREE Theme ang gamit. Babalik balikan mo ang kanyang blog hindi dahil sa mga post nya pero dahil sa pagkapleasant ng kanyang blog.

Best Kikay Blog Design – Tinadtad nya ng flowers, butterflies, and everything ang kanyang blog. Sobra. Sobra talaga. May sparkling sparklers pa at silhouettes.

Photoblogger of the Year – Jaw dropping ang mga kuha nya sa kanyang camera tas lalakipan pa nya ng mga captions na nakakainggit sa lupit.

Husay Managalog na Blogger of the Year – Blogger sa Wikang Tagalog. (yun lang) May espesyal na premyo: Tig-isang kopya ng Bob Ong’s Mama Susan at Kapitan Sino (Sponsor: Kuripotxt), Badge at Bragging Rights.

Best in English Blogger of the Year – Blogger naman sa wikang Ingles. Nakakabadtrip ang husay. Nosebleed!

Most Active Blogger (Blog Category) – Dinadaig nya ang Manila Bulletin’s Panorama sa dami ng kanyang inilalathala. Halos araw-araw magpost sa kanyang blog.

Most Active Blogger (FB Category) – Gumigising ng maaga para batiin ang mga blogger. Sa tanghali, magpopost din ng “lunch na”. Sa gabi, magpopost din sya ng “Good night bloggers”. At hindi pa nagtatapos ang kanyang pagkaadik sa Facebook. Pagdating ng madaling araw, isa sya sa mga nag-i-spam ng mga comment box.

Madramang Blogger of the Year – Pangteleserye lahat ng post. Palagi nalang nag-eemote daig pa si Liya Ortega sa husay nyang magbitaw ng mga linyang bumabaon sa puso.

Rated X Blogger of the Year – Hindi naman sya ganun ka-”L”. Pero pag nagka-anak ka, hinding-hindi mo muna ipapabasa ang blog nya sa kanila.

Most Excited Blogger – Tuwing EB, marami syang blog post, FB status o tweets na nagsasabing excited na sya.

Galanteng Blogger of the Year – Lagi siyang nanlilibre. Kung hindi man, namimigay siya ng mga regalo. O kung hindi man, kung magpacontest cya, BIGTIME ang mga premyo.

Fashionista Blogger of the Year – Blogger na head turner dahil mahusay manamit. Maaaring lalake o babae – isa lang ang magwawagi.

Hakot Award Blogger of the Year – Hindi nman necessary na nanalo ang blogger na ito. Siya ang blogger na lahat na lang ng pacontest, sinalihan – nagbabakasakaling makahakot ng award.

Bibong Blogger of the Year – Magaling magsulat. Magaling sumayaw. Magaling kumanta. Maraming alam. Bibong-bibo.

Master Pogi Blogger of the Year – Pinakagwapong blogger sa paningin mo.

Mr. and Ms. Facebook’s Comment Box – Iba to sa Most Active Blogger. Hindi sya nagpopost. Comment lang ng Comment.

Best in FB Likes Award – Hindi nagpopost, hindi nagkocomment pero ang lupet, like lang ng like. Hindi mo tuloy alam kung binabasa ba talaga nya ang mga post mo.

Sweetest Blogger of the Year – Babatiin ka nya pag birthday mo. Nagpost sya sa wall mo sa FB nung pasko at magpopost sa bagong taon. Mag-aalala siya pag sinabi mong may sipon ka. Pag nakita kayo, lagi syang may regalo sa iyo.

Charming Blogger of the Year – Aminin natin. Hindi sya kagandahan/kagwapuhan pero nakakatuwa siyang tingnan. Palabati at palangiti.

Lamon King of the Year (kada EB) – Lagi nalang syang nasa tabi ng lamesang may pagkain. O kung hindi man, lagi syang may bitbit na foods. Tirador ng pulutan. Walang nagnominate ng Queen kaya walang partner ang Lamon King of the Year natin ngayon.

U-Blog Love Team of the Year – Pinakanakakakilig na nabuong love team sa U-Blog. Kahit hindi natuloy, pede mo inominate – MMM (Malay Mo, Madevelop) ♥

Friendliest Blogger of the Year – Kaibigan siya ng lahat ng bloggers pati ng mga kaaway mo.

Most Promising Blogger of the Year – Bagong blogger (hindi bagong kakilala ha) pero nagpamalas ng kakaibang galing sa pagsusulat. Inspirasyon sa ibang hindi pa nagbablog.

Lifetime Achievement Award (Blogger of the Year) – Blogger na sa palagay mo ay mahusay sa larangan ng pagbablog – itinuturing mo syang idolo. Maaaring ang haligi ng blogsosphere. Hahaha. Ang magwawagi sa kategoryang ito ay makakatanggap rin ng isang (1) Collezion C2 Polo Shirt mula kay OrphicPixel. (Maaaring manalo ang lalaki o babae).

Maraming Salamat ♥ Hehehe…

74 responses on “TABA Finalists

  1. Pingback: Tweets that mention TABA Finalists « AdodcEspresso -- Topsy.com·

  2. wahaha ano ba yan, bat kc ninominate pa ako, but thanks anyways bwahahhaa..hmmmmm..papuntahin ko kaya lahat ng readers ko d2 bwahhaha, lol lol wag na nkkhiya bka manalo ako sa pandaraya ahaha :P

  3. I appreciate those who voted “Jigs – NO One is 100% Free” as Best Post of the Year! Anyways, to those who want to read that entry, here’s the link – http://jigzmoreinfo.blogspot.com/2010/07/no-one-is-100-free.html

    Then after you read that entry, its up to you if that post deserves to be the BEST POST OF THE YEAR! But somehow, have time also to read other entries or my rival’s entries…”RIVALS” talaga! Ahehehe…

    Anyways, salamat sa mga bumoto sa akin from bottom of my heart (^^,?

  4. wow..first time ko lang bumoto dito..
    ang kulet ng mga categories…nakakatuwa…hehehe
    sana manalo ang deserving..gudlak s mga nominees!!! ^^,

  5. @soltero

    thats ok soltero i also voted for na hahaha deserving ka kasi at dapat nanominate ka din sa x blogger

  6. Sa mga bumuto po sa akin sa BEST POST OF THE YEAR “Jigs- NO one is 100 Free”, salamat po! SAna iboto nyo po ako till Jan.23! God Bless to all!

  7. done voting :D

    thanks zyra for this one… mas personal, mas touching. ayun o. hehe and a lot of great bloggers get recognized, especially yung mga bago na worthy sa recognition :)

  8. Pingback: TABA 2010: Partial Results « AdodcEspresso·

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s