
Ano ang TABA 2010? | TABA 2010 Finalists | TABA 2010 Nominees
TABA 2010: The Annual (KALSADA) Blog Awards. Trip lang ‘to na medyo seryoso. Seryoso kasi may premyo. Ang premyo: BADGE at bragging rights. Nagsimula ito nang manalo ako ng Kalabasa Award kaso kaunti lang ang possibleng bumoto sa akin. Panahon na upang kilalanin ang mga BLOGGER na karapatdapat tumanggap at umani ng ating masigabong palakpakan. Kumbaga sa pag-aaral – ito na ang RECOGNITION DAY.
Kalsada. Lugar kung saan nagtatagpo ang mga magkasintahan, nasasagasaan ang iyong inaalagaang pusa, natatapakan ang iyong inaayawang *tooot*, nadadapa ang mga bata, naliligo ang mga walang palikuran, nagdidilig ang mga walang halaman, pumaparada ang mga sasakyan, at naghahabulan ang mga parak.
Kalsada. Marami kang makikitang vandal, palaging hindi tinatapos pinturahan.
Kalsada. Nabuo mo ang iyong unang blog nung nakatapak ka dito, lumipad ang iyong isip, tumanaw ka sa paligid.
Kalsada. Nasundan mo ang iyong blog nung may naranasan ka dito, naluha sa nasaksihan, napangiti sa natagpuan.
Kalsada.
KArangalan. Lakas. SAlinlahi at DAmbana. ‘Yan ang tunay na ibig sabihin ng KALSADA. May bumulong man sa isipan nyo na palusot lang ito, iwaksi nyo na iyan. Please. Hehe.
KArangalan – pagkilala sa mahuhusay na KAtropa at KAibigang blogger. Walang judges na bigatin. Blogger’s at Reader’s Choice lahat ng award.
LAkas — ng dating ng isang blogger. Mas masaya ang blogger kung maraming nagbabasa ng blog nya. Eto na ang panahon para sukatin ang inyong arrive. Tingnan natin kung sa aling kategorya kayo manonominate.
SAlinlahi at DAmbana– paghahanda ng mga posts atbp upang maging inspirasyon sa mga susunod na henerasyon. Isipin mong muli, kung malalaman ng iyong anak na nagwagi ka ng simpleng blog award, at magiging blogger man siya sa hinaharap, hindi ba’t ikaw pati ang iyong mga kaibigan ang kanyang magiging idolo’t dambana?
Ayos? Gud. Ngayon, nagnominate ka na ba? Dali. Nominate na.
ito ang mga choices ko:
http://laboyboy.blogspot.com/2010/12/laboyboys-choice-for-kalabasa-blog.html
wow thanks! heehee
i super love the post of Jigs, the No One is 100% free..Ive been working in a call center for few ytears now and being able to read the said post was a spectacular experience….He is really right and his compositions really all amazing….I am not biased but he deserves the post award…To prove it, please read it…hehehehe…..the other nominees are great as well….this kind of networking and socialization thru the net rocks….