About Zyra

Blessed Zyra - About Zyra

Si Zyra ay ipinanganak sa Bacoor, Cavite ng ilokanong si Jun at bikolanang si Malou noong 1986. Dahil sakitin siya nung siya ay maghighschool ay sa San Pedro, Laguna lamang siya nagtapos ng kolehiyo tutal laking Muntinlupa ang napakagandang babaeng ito. Panganay sa tatlong magkakapatid, siya ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang guro sa kolehiyo at nagtuturo kung paano maging magaling na graphic designer at systems analyst. Madalas siyang late sa una niyang subject kaya madalas na may kaltas ang kanyang suweldo (bukod pa sa SSS, PAGIBIG, PhilHealth atbp) kaya naiisip na rin niyang mag-career shift. Susubukan naman daw niyang pumasok sa mundo ng showbiz pero kung hindi papalarin, mag-oodesk na lang daw siya o di kaya kakatok sa mga opisina sa Alabang o Ayala.

Pinilit niyang maging si Darna para isalba ang lumulubog na estado ng kanyang mga magulang pero sumuko rin siya noong isang taon at ipinaubaya na lamang kay Lord ang lahat. Mabuti at malakas siya sa langit na rumaragasa pa rin ang pagbuhos ng ulan ng biyaya sa kanyang napakakulay na buhay. Bibili na siya ng bahay at kotse sa tulong ng kanyang asawa na kung ipalalarawan mo sa kanya ay sasagutin ka ng ganito, “Siya ang pinakagwapo at pinakamabangong lalaki sa balat ng lupa.” Isang taon pa lamang silang kasal at wala pa silang mga anak.

Kabaligtaran ng ibang nagpifeeling na magaling pumitik ng kamera, mas gusto lamang niyang umuupo sa sulok at kumukuha ng larawan at naaaliw siyang burahin ang mga ito pagkatapos. Kung interesado kang makita ang kanyang mga kuhang pambaguhan at ang kanyang mga trying-hard na graphic designs, please make pindot here.

27 thoughts on “About Zyra

  1. hello :) mahiyain din ako :) )

    • wahihi uu nga… halata nga sa picture mu oh…

  2. Just a shout out from another mahiyain ;)

    • aheee anu kaya mangyayari pag nagsama taung mga mahiyain?

  3. naks namaaan bigtime! :)

    • shax bakit bigtime kuya~

      • nagmamasteral at nagging editor in chief eh.haha

      • yay baet baet lang si Lord po sakin ♥

      • oo naman :) magpasalamat ka sakanya :)

  4. extra ang IMS, thanks :D at CompSci ka rin pala, naks naman! nakakabaliw nga lang ang programming no, ako malapit na mabaliw eh lolzzz

    • wahihi welcome kuya :) uu CompSci :) paborito ko ang C++~ Mababaliw na ikaw? hala~`

      • Oo, simula 1996 ata nagpoprogram na ako sa Turbo C,Pascal, Clipper at VB6, hanggang ngayon, kawindang! :D

      • grabe matanda na ikaw sa industriya ♥ heehee

  5. wow.. comsci din heheh apir.,,, naalala ko tuloy ang mga subj namin nood.. sumakit ulo grabe lalo na ang symlog sunj namin at VB whahaha :D

    • apir! nung SAD lang tlaga ako napagod heehee

  6. Sang-ayon ako na Cute si Ate Zyra! :)
    Ito ang unang comment ko dito. Kaya syempre dapat maganda. hehehe.

    Merry Christmas! :D

    • yay parang may indirect meaning un ah hehehe :) Merry Christmas din Goyo :) hehehe

  7. cute naman talaga. kaya nga pakakasalan na siya :)

  8. hello Zyra! napadaan sa astig mong blog. :D Maligayang pasko po and Happy New year! :D

    Pareho pala tayo. I’m not gwapo, but I think I’m cute.. nyok.. :P hehehe.

    • Happy News Year din. Oh yeah, we’re both cute. hehehe

  9. Zyra! taga San pedro kaaaaaaaa????????????????????? Me TTTTOOoooooooo!!!

  10. Palitan tayo ng link hehe

    http://himigatliwanag.wordpress.com

    na-add na kita. congrats!

  11. Hello. I am a graduating student from UP Manila and blog hopping led me here. :) I was wondering if you could answer a survey I made regarding Filipino bloggers. This is for my thesis and answering will only take you a couple of minutes.

    http://www.kwiksurveys.com/online-survey.php?surveyID=HLEKII_31745bbc

    Confidentiality will be of utmost priority. Answering my survey will be very much appreciated. Thanks! :)

  12. nice..

  13. Congratulations on your marriage

    all the best for the future

  14. Hello :) dropping by. found your blog while searching for sesa :D

  15. Huli man daw at magaling eh aabot din…hello & salamat. Maraming salamat ako pala ay napasali dito sa TABA2010. Pabisita pala Zyra at muling babalik. God Bless Mrs. Zyra.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s