January 27, 2013, 8:15am: Kakasakay pa lang namin ng tricycle palabas ng subdivision papunta sa church. Ang normal na byahe ay 45 minutes – walang traffic, walang magpapagas na jeep, at walang abangers ng pasahero.
9:00am ang call time for morning prayer ng music team. Imposible nang makarating kami on time dahil Sunday un — matraffic sa area ng mga simbahan at maraming pinoy ang nagsisimba, kaya tatambay ang mga jeep.
January 27, 2013, 8:15am: Nung nakita ko na saktong 45 minutes na lang bago mag9:00am pagsakay namin ng tricycle, nagpray ako agad ng isang maliit na himala – ung tipong imposible para ramdam ko ang galaw ng langit. Sabi ko, “Lord, may I find favor in Your eyes, and may your response give you all the glory. I pray na within 30 minutes, nasa church na po kami, Amen.”
8:20am: Patawid na kami papuntang sakayan ng jeep. May 25 minutes pa to answered prayer.
8:44am: Bumaba kami ng jeep, at bumati ng good morning kay Kuya Andy (Yung laging bumabati ng good morning sa 1st floor ng church). Tapos dito na ako nagtestify ng glory ni Lord kay Lester Bunny. Sabi ko, “Ang galing ni Lord sobra, ung 45minutes na normal na byahe, kayang maging 30 minutes — ay 29 lang pala, ang lupet no?”
Sobrang overwhelmed ako sa simpleng bagay na ito.
Maliit at impossibleng prayer, sinagot ni Lord. Yanig na yanig ang puso ko eeeeh. Kilig na kilig ang peg ko ngayon eeh
Therefore I tell you, whatever you ask in prayer, believe that you have received it, and it will be yours.
Mark 11:24

God answer even in a simple or small things
Answered prayer indeed.
God trully make the impossible possible.