
Nakita ko ulit si Xander, Will at si Kuya Bino tapos na-meet ko for the very first time sina Mark at MJ.

Birthday kasi ni Kuya Bino and gusto nyang manlibre dahil binless sya ng sobra sobra ni Lord. Starbucks, Shakeys and California Berry Treats for all of us.

Nakilala ko si Kuya Bino sa Megamall, sa isang ‘GRAND’ EB na sinet-up ni Ate Yanah. Since then, lagi ko na syang ka-like ka-comment. Nabawasan ngayon kasi busy daw ako kunyari. Mabait si Kuya, SUUUUPER! Lagi nya akong nililibre kahit na nababanas na sya sa mundo. Sana, siya na lang ang tunay kong kuya. Heehee!

Ah hindi ko mahanap ung blog nya sa FB page at twitter nya kaya ayan. Eto si Mark, tahimik sya nung nameet ko sya pero sabi ni Kuya Bino, maligalig daw sya. Heehee. Pinlano nya nenokin ung lalagyan ng gravy sa Shakeys pero binasahan ko sya ng Bible Verse – Leviticus 19:11. Ayun, nakinig naman kaya ung tip nalang ang kinuha nya. HEHEHE! Tingin ko mabait itong taong to kasi marunong makinig.

Eto si MJ – ung founder ng tropang move-on. Nahirapan daw kasi syang magmove-on sabi nila kaya puro emo posts ang meron sya. Nung una, inaasar ko sya lagi kasi wala pa syang trabaho (na magkakaroon na in Jesus’ name). Nirespeto ko sya bigla nung nalaman ko na sya para si BAGOTILYO! Basta. Hehe. Heavenly ang tunay nyang pangalan — Moises John Bilang (Numbers, book sa bible) pero tingin ko, hindi lang un pangalan. Pati ugali nya, heavenly din ![]()

Pakiramdam ko may nililihim tong taong to e. As in. Hiniram ko ung fone nya tas may hinide hide pa. Hehehe! Tahimik lang sya tas pinaglaro nya kami ni Pinoy Logo Quiz. Aun lang.

Kamuka talaga ni Schimdt ng New Girl itong si Kuya Xander. Lagi na lang syang nagmamadali kapag ka-EB ko sya. Heehee. Mayaman itong taong to kasi maganda ang relo saka lagi may kausap sa fone.
Aun.
Tropang Move-on ang tawag ko sa kanila pero dinudugtungan nila madalas. Kunwari, Tropang Move-on na gwapo’t mayaman. Hehehe. Kasi lahat ata sila, nahirapan magmove-on. Nung nasa SB kami, sabi nila, “Ano ba yan, isang babae lang ang ka-EB, TAKEN pa!” O di ba, parang uhaw na uhaw sa pag-ibig. Hehe!
Pero i like them all. Feeling ko, we’re family. CHOS.
Hehehe salamat kuya bino! Salamat everybody.
ang bilis ng post! whahaha
uy tlga naman dapat may gwapo yung pangalan ng grupo namin,
Oo naman we are all family.
piling ko tuloy ang banal banal ko.
Godbless :p
Oh yes, you are heavenly haha.
On Thu, Dec 27, 2012 at 10:30 AM, Blessed Zyra
Wow naman may introduction pa isa-isa parang F4 lang. Hahaha. Nice to see you again. Next time ibang logo quiz naman lalaruin natin. Dyuk! :p
nainggit ako sa solow pictures! hahaha! Pasama naman d’yan sa tropahan n’yo
))
naiblog din! hehehe. dapat Trpang Gwapo’ng Move On yan hehehe
Haha hindi na daw ako busy ngayon e
Oh yes.
hahaha.. Kamukha ko talaga yun si Schimdt? Di nga? Hahaha.. Hindi ako mayaman.. wahahaha.. Yung kausap ko sa phone mga nautangan ko lang nagtatago po talaga ako sa kanila hahaha
tontongpotato.blogspot.com ehehehe… nice!!!!!
Ayos to ah.. May libreng exposure!
sali naman ako diyan!!!
P.S.
Happy Birthday Bino!