Confessions of a Back-up Singer

Opo, back-up singer po ako —
sa church – kung saan (sa paniniwala ko) ay tanggap ang pinagtatawanang boses ko (ng mundo).

Confessions of a back-up singer

Psuche: Ang FJC Worship Team ♥

Patuloy akong naniniwala na hindi pa ako magaling, kaya mas pinipili kong magtago sa likod ng mga pinapalakpakang mang-aawit, habang hawak ang mikroponong may katamtamang lakas ngunit —
…minsan ay hindi gumagana
…minsan ay walang tunog
…o kung meron man, ay mas malakas pa ang mga yabag ng isang paakyat sa hagdan ng Ayala MRT.

Ayos lang sa akin na hindi ako marinig —
…walang makakaalam na baka ako ang nawawala (nagwawala) sa tono
…walang makakahalata na ang kanta ay hindi ko kabisado.

Walang makakaalam, walang makakapansin. Sabagay, wala pa namang sumisita. Hindi pa naman ako nakocorner para pagsabihan (baka sa susunod kung mababasa na nila ito).

Alam kong responsibilidad kong maging mahusay na mang-aawit, kaya nag-enroll ako ng Voice Lessons sa isang mahusay na training center – pero hanggang ngayon, itinuturing ko pa rin ang sarili ko na kasapi ng grupong THK – Trying Hard Kumanta.

Masaya tuwing naaalala ko ung araw na mapanood ko si Mumble ng Happy Feet. Naiisip ko, pwede naman pala na damdamin lang ang lumikha ng awit — pwede naman pala lumikha ng musika ang mga ‘dugdug’ ng puso — pwede naman, pwede pala.

Pinagsisikapan kong mapangiti ang langit sa tuwing tatayo ako sa harapan (sa likod ng mga mas magagaling na mang-aawit). Paulit-ulit kong pinagtatrabahuhan ang pagyanig sa entabladong aking kinatatayuan, linggu-linggo —
…sa pamamagitan ng pagtalon,
…pagtaas ng kamay,
…marahang pagsayaw,
at bigay todong pagkanta.

Nilalakasan ko ang aking pag-awit.
Ino-all-out ko na kahit na kung susumahin, apat na pu’t anim na oras akong nagtuturo sa kolehiyo bilang maestra, maubos man ang lahat ng boses ko, gagasgasin ko pa lalo ang aking lalamunan, mapansin lang Niya ang aking mga papuri.

* * * * *

Mukhang natutuklasan ko na ang dahilan sa misteryong pinagtatakhan ko noong araw —
Bakit nga ba, yung mga kumakanta sa Church ay madalas nakapikit?

Maaaring, marami kasing makikita sa harapan sa tuwing tatayo upang magpuri:
—May mga umaawit, kasabay ng lahat, pero hindi bumubuka ang ang labi;
—May mga kumakanta ng masasaya at mabibilis na awit, pero hindi gumagalaw, hindi makapalakpak;
—Mayroong nakatayo lang at tititigan ang mga kumakanta sa stage (ng masama);
—Mayroong iyak ng iyak;
—Mayroong ngiti ng ngiti;
—Mayroong bigay todo sa pag-indak;
—Mayroong sobrang saya;
—Mayroong sobrang tindi magtaas ng kamay;
Marami.

Pero sabi nga sa kantang “One Way” – “we live by Faith and NOT BY SIGHT”
Kakanta pa rin ako, itotodo ko pa rin, kahit back-up lang ako – kasi hindi naman ako kumakanta para sa mga taong nakikita ko sa loob ng Church – ang kinakantahan at inaalayan ko ng pagsamba, ay yung Diyos na nagmahal sa akin ng SOBRA, SOBRA, SOBRA:
—kahit sablay-sablay ang boses ko
—kahit ang korni-korni kong tingnan sa entablado
—kahit hindi bagay sa akin at mukha akong katawa-tawa.

* * * * *

Opo, back-up singer po ako (sa ngayon) —
sa church – kung saan tanggap ang boses ko ng Aking Panginoon at Tagapagligtas ♥

About these ads

2 responses on “Confessions of a Back-up Singer

  1. …minsan ay hindi gumagana
    …minsan ay walang tunog
    – loveed it!! Hehhe. :)

    amen, we do not harbor praise from men,, but affirmation and thumbs up from the Lord alone. Yan dpat lagi ang goal ntin. :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s