-
BAKLA KA BA?
-
Bakit ang landi-landi mo? Hindi mapagsabihan?
-
Paano ka yumaman?
-
Bakit hindi ka yumayaman?
-
Paano makabili ng kotseng brand new?
-
Hindi ba talaga maganda ang boses ko?
-
Bingi ka ba? Bakit ang lakas-lakas mo magpatugtog?
-
Pwede ba akong maging artista o kahit commercial model man lang?
-
Magaling ba akong designer? Bakit ayaw nila akong bayaran – gusto lagi libre?
-
Bagay ba akong maging pastor?
Hehe!
PS: Pwede itong gayahin. Ewan ko lang kung may gagaya. Hehe!
Kung gusto po ninyong sumagot sa mga tanong ko, please do ♥

mahirap sagutin ung number 3 pero oo bagay ka magpastor!!!
BAKLA KA BA? – Halluuueeeerrr NO.
Bakit ang landi-landi mo? Hindi mapagsabihan? Masaya lumandi eh.
Paano ka yumaman? – pooff!!!! Genie!
Bakit hindi ka yumayaman? – Hindi pa nahahanap ang mahiwagang lampara
Paano makabili ng kotseng brand new? Bumili ka sa nagbibinta ng brand new cars
Hindi ba talaga maganda ang boses ko? Oo, hindi talaga.
Bingi ka ba? Bakit ang lakas-lakas mo magpatugtog? Malakas pagdinig ko, kaya nga malakas magpatugtog eh.
Pwede ba akong maging artista o kahit commercial model man lang? Oo puwedi. Pero one time lang.
Magaling ba akong designer? Bakit ayaw nila akong bayaran – gusto lagi libre? Magaling, binibigay mo eh.
Bagay ba akong maging pastor? Hindi, matulog ka nalang.
Hahaha!
Salamat Akoni
babayaran naman kita. nagkaroon lang ng problema. senxa na
yay affected kuya?
okay lang un. sorry.
Sorry na kung sa ‘yo namin pinadesign ‘yung tarpaulin para sa BMIM.
Volunteer kaya ako kuya
Wow , type kong sumagot sa mga tanong na ito he he . Try natin :
BAKLA KA BA? – Ano ka ba , hindi ba halata he he .
Bakit ang landi-landi mo? Hindi mapagsabihan? Inborn talent ko ito huh
Paano ka yumaman? – Waaaahhh , hindi pa ako mayaman
Bakit hindi ka yumayaman? – Oo nga eh , yan ang mahiwagang tanong
Paano makabili ng kotseng brand new? Ibenta o i-swap mo yung lumang kotse mo.
Hindi ba talaga maganda ang boses ko? Hindi daw , sabi ni Akoni he he
Bingi ka ba? Bakit ang lakas-lakas mo magpatugtog? Hindi ako bingi . Wala ka lang hilig sa tugtugan
Pwede ba akong maging artista o kahit commercial model man lang? tanong natin Kay Tito Boy .
Magaling ba akong designer? Bakit ayaw nila akong bayaran – gusto lagi libre ? dahil hindi ka naniningil he he
Bagay ba akong maging pastor? Hindi . Pero bagay kang maging pastora .
Yun lang , salamuch !
mmmmmm
si kuya akoni talaga makasagot. hihi anyway..wala akong maisip na itatanong pero tatry kong gawin din to hihi