Random Thought na pang July 27
May mga kabataan na gustong mag-aral, walang pang-aral.
May mga kabataan na may pang-aral o mayaman — ayaw magtino.
Kawawa naman ang mga magulang.
Nagpapagod sa pagkayod tapos sila, ayaw ayusin ang pag-aaral.
Kailan kaya matatauhan ang mga estudyanteng ito?
Ilang timba kaya ng luha ng magulang ang kailangan nila bago sila magbago?
Nasasabi ko ito kasi ilang magulang na yung lumapit sa akin ngayong sem at kinakamusta ung mga anak nila, masakit mang sabihin, madalas, hindi pumapasok ang mga anak nila. Kawawang Magulang.
Igalang Mo Ang Iyong Ama At Ina (Eph 6:2)
Madalas ang pananaw ko dito.. nasa huli ang pagsisisi.. pag nararanasan na ng bata ang mga consequences ng hindi nya pagpasok.. halimbawa.. ang hindi makapagtapos, mababang trabaho o baka wala pa ngang trabaho eh.. baka dun pa lang sila magsisi..
Oh well, mga aasa sa kayamanan ng magulang in the future. Hehe!
Naalala ko tuloy ang kasabihang-
“Ang buhay ay parang gulong. Minsan, nasa ibabaw. Minsan ay nasa vulcanizing shop.”
Joke!
Ang buhay ay parang gulong. Minsan ay nasa ibabaw. Minsan ay nasa ilalim.
Mayaman ang mga magulang kasi nagsikap sila noong sila ay kabataan. May mga anak sila na ayaw mag-aral. Namana ang kayamanan, pero hindi napanatili dahil walang pinag-aralan. Di naglaon ay naghirap.
Ang mahirap na anak na anak ng mayaman ay nagkaanak ng siyempre mahirap din. Dahil ayaw niyang magaya sa kanyang mga magulang, ang anak na anak ng mahirap ay nag-aral, nagsumikap at di naglaon ay yumaman.
Ang mayaman na anak, na anak ng mayaman ay nag iskul-bukol, di nakatapos ng pag-aaral at di natutong dumiskarte sa buhay. Nag-asawa, nagka-anak at namatay nang mahirap.
Bwahaha. Nonsense ako.
Hehehe life is round. Hehehe! Nonsense comment din ako. XD
Haist! Mahal pa naman magpaaral ngayon.
Importante din na maituro sa mga kabataan habang maaga hindi lang ang kahalagahan ng edukasyon, pati na din ang tamang ‘values’.
AMEN with the values thing.
Hehehe actually, tinuturo ang values sa NSTP
kaylaking katotohanan!
Ang pagsisisi ay laging nasa huli.
Masyadong masaya, masyadong maalwan, parang ang yaman ay walang katapusan.
Di alintana ang kinabukasan, maaring masira pag pinabayaan sa kasalukuyan…
Hi Zyra!