
Patapos na akong kumain sa canteen kanina nang bigla akong tanungin nung kaharap kong professor ng, “what is your stand with regards to annulment?” Napatigil ako. As in, kasi english siyang nagtanong. Nakakabigla lang.
Ngumiti lang ako.
Sabay iling.
Tapos tinanong nya ako uli kaya tinigilan ko na agad ang pagnguya at sumagot ako ng, “Sir, hindi po. Tingin ko po kasi, hindi naman kailangan na relasyon ang pagdiskitahan, ang kailangan baguhin, puso.”
May mga sinagot pa siya na hindi ko na maalala — pero annulment, ano nga ba ang masasabi ko tungkol dito?
Wala naman talaga akong pakielam sa usapang ito kasi idinedeklara ko sa buhay ko na hindi ito mangyayari. Pero, eto ung mga sinabi ko kanina sa professor na nakasabay kong kumain –
- Sabi nga sa Bible, “When you make a vow to God, do not delay in fulfilling it” Lahat naman ng ikinasal, nangako sa harap ng Diyos. Napilitan man o hindi, nangako pa rin sila.
- Marami lang ang gusto ng annulment o divorce kasi ayaw na nila. Magpapa-annul sila kasi un ang gusto nila, pero hindi yun ang gusto ni Lord.
- Ang pain nasa utak lang yan, kung babaguhin muna ni Lord ang puso, magagawa rin nila ang tama. Huwag nilang gawing tama ang mali at pilit na baluktutin ang tama.
- Ang daming beses sinabi sa New Testament na bawal maghiwalay ang mag-asawa, bakit ibabalik nang ibabalik ang nasa old testament?
- Kung mamamatay man tayo at hahanapin ni Lord kung nasaan ang asawa natin, hindi naman tayo pwede magdahilan na, “kasi sinasaktan nya ko”, “kasi hindi nya kami kayang buhayin”, o “kasi nagtaksil sya”. Hindi naman niya tatanggapin ung mga dinadahilan natin eh.
Minsan talaga, sinasabi natin na sinusunod natin si Lord, pero ang sinusunod natin ay ang mga sarili pa rin nating gusto. Madali lang naman talaga eh, kung sinusunod natin si Lord, e OBEY – walang dahi-dahilan, kung ano ang tama, yun dapat ang gawin.
tama ka po. Bilang mga taong buo ang pananalig sa KANYA, hindi karapat-dapat na lumitaw sa ating isipan ang mga bagay na tulad ng annullment. Ang isinulat mong limang bagay na iyong opinyon ay tila gabay na upang matahak ng marami ang landas na Diyos ang gumawa….
bisita ka sa inuman ko: http://manulnulat.wordpress.com/2012/06/24/ang-orasan/
dumaan din ako sa blog mu
salamat po,,,,,
dapat di na nagpakasal kung maghihiwalay lang. 1cent
tama ka dyan kuya bino
Dapat kasi ang foundation nang family or marriage is Jesus Christ not the money,by sight, emotion nor the heart because its deceitful.
Amen ♥
Depende siguro sa rason ng paghihiwalay. Kung talagang wala ng paraan para magsama muli o wala nang mabuting patutunguhan ang pagsasama, mas mabuti nang maghiwalay kaysa naman sa humantong pa ito sa bingit ng kamatayan. May sarili tayong kaisipan para suriin at pagpasyahan ang sitwasyong kinakaharap.
….At kung mamamatay man ako at hahanapin ni Lord kung nasaan ang asawa ko, alam kong batid niya ang aking dahilan, hindi na ako magpapaliwanag. At alam kong tatanggapin niya ako maski ako’y makasalanan, dahil ang Diyos na kinikilala ko ay mapang-unawa, mapagmahal, mapagpatawad. Hindi ko lilimitahan ang pang-unawa at pagmamahal Niya sa akin o sa kung sino man.
Salamat sa pitak para sa tugon na iniwan ko. Nawa’y pagpalain tayo palagi.
Hello Zyra…
Iyong katha ay aking nadaanan at ako ay napahinto ng bongga….
Aking nirerespeto ang iyong opinyon at ako ay sang ayon sa lahat ng iyong tinuran…
Ngunit ako ay may isang kahilingan, nais kong tunghayan mo ang aking karanasan at nais ko ring ihain sa iyong mga mambabasa…
Iyan din ang aking sigaw noong dalaga pa… ayoko ng annulment.
Ngunit ang panahon at pagkakataon ay sadyang di umayon…
http://chilledhoney.wordpress.com/2012/05/19/masama-ba-akong-ina/
Sana ikaw ay magbigay ng opinyon…