B.A.D.: Brothers, Avengers, Disciples.

Blessed Zyra - Brothers, Avengers, Disciples

Brothers
Okay. Nakakasuka na ang dalawang araw na bitbit ng headlines - Tulfo vs. Santiago. Bawat minuto nalang, halos segu-segundo, grabe! Sapakan there and everywhere. Wala namang CCTV cameras – wala namang makakapagsabi ng totoo. Si Lord lang ang saksi, ika nga. Brothers vs. Raymart, mamaya nyan, pati si Gretchen Baretto at buong cast ng ‘Princess and I’, galit na sa mga Tulfo. Ayan na naman kasi, alam naman ang tama – ginagawang mali at alam naman ang mali, ginagawa lang tama para sa pansariling kaligayahan. Hindi nalang gawin yung pinakatamang dapat mangyari. Kaumay.

Avengers
Kung dumating nalang kaya ang Avengers?
Tipong, pagkuha palang kay Claudine ni Mon Tulfo ng video, babagsak mula sa langit si Thor at kikidlat tapos gagana yung mga CCTV cameras.
Tapos papanain ni Hawk Eye yung cell phone, malalaglag sa lupa.
Magsusuntukan na dapat sila Raymart (& friends) at Mon Tulfo pero susulpot si Captain America para salagin ang bawat bira.
Magagalit si Hulk tapos ihahagis sina Raymart at Mon papunta kay Iron Man. Tapos lilipad sila papunta sa Police Station.
Sa Police Station naman, naghihintay si Black Widow para malaman kung ano ang totoo. Kailangan pa ba ng fictional na Avengers para matigil ito (o.a. naman) o pag dumating yung Avengers, tatagal pa ng isang taon sa headlines yung ‘Tulfo kinasuhan ang Mag-asawa. Mag-asawa, gumanti”?

Disciples
Naiintindihan ko na kung bakit ang tindi ng pangangailangan sa tunay na disciples. Hephep! Titigil ka na agad sa pagbabasa nito noh? Ano? Init na init sa kasalanan? Agad-agad iko-close? Taympers!

Isipin na lang natin, kung nung panahon na nandito pa si Jesus, marami na ang masamang tao, paano pa kaya ngayon? Kaya kung sa tingin natin ay mabuting tao tayo (wag na natin ibaba ang tingin natin sa sarili), sa tingin ko, oras na para i-multiply natin ang virtues natin. Sige, mahirap intindihin.

Pero kung paglalaanan natin ng panahon ang mga tao (kapamilya, kaibigan, katrabaho, kaklase), turuan sila kung ano ba talaga ang tamang gawin at maling gawain, sa palagay ko, kokonti ang bilang ng mga bugbugan galore. Pero, it takes a disciple to disciple – parang kailangan mo munang matutong sumayaw para makapagturo kang sumayaw. Pwede na maraming basag-ulo kasi may nakikita sila na pwedeng sa palagay nila eh tama iyon, maraming sinungaling kasi naranasan na rin nila na makarining ng kasinungalingan at maraming bading kasi tanggap naman sila ng mundo

Maraming pwedeng iwasan. Kailangan lang natin magdisciple.
Kailangan lang natin maging disciple.

About these ads

8 responses on “B.A.D.: Brothers, Avengers, Disciples.

  1. kung commoners lang yung nagsapakan dun sa NAIA T3 sigurado nakaposas na yun tapos isang beses lang magiging headline.
    nangyari nung sunday sa monday pa irereport

  2. Yup…kung ordinary citizens ang nagkagulo sa NAIATerminal 3, lahat sila nakakulong for public scandal….hehehe

    But…malabong mangyari among ordinary citizens dahil they will be more sensible and calmer, unlike the personalities involved na feeling elite kahit laos na naman…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s