Tumetrending na ang topic na ito kaya gagawa rin ako ng ganito para matanggap ako ng society (tulad ng pagdila’t kagat sa Magnum, pagtatanong kay simsimi, panunuod ng Avengers, pagsuot ng pekpek shorts, atbp). Nauna si Leah, sinundan ni Bino, tapos sina Madz at Zen (mga bloggers sila na kinulang sa kapal ang mukha kaya sa blog na lang inilalabas ang saloobin). Susundan ko ang pagtatago nila sa ilalim ng saya ng kanilang mga ina at sasabihin ko na ang mga bagay na gustung-guto kong sabihin na hindi ko masabi kasi:
(1) natatakot ako
(2) hindi bagay sakin na sabihin ito dahil diwata ako, at
(3) ayoko ng kaaway (kaya hindi ko papangalanan ang mga ito)
So, simulan na natin:
- Huwag kang babading-bading. Alam mo naman ang tama at mali. Huwag mong itama ang mali at gawing mali ang tama. Wake up!

- Tingnan maigi ang iyong mga pinagkakagastusan. Matuto kang magtipid, wala ka namang ininvest na mabuting gawa sa amin (possibleng lagi mo pa kaming binabackstab) tapos uutangan mo kami na mas nakikita mong matipid ang pamumuhay kesa sayo. Tapos pag pinautang ka na nga, kung anu-ano pa pagkakagastusan mo. Haaays.

- Iwasang lumandi. Hindi magandang tingnan sa babae na nagfiflirt sa boys. Oo, 2012 na. Pero hindi ibig sabihin nun eh iduldol mo na ang dibdib mo, mukha mo o buong pagkatao mo sa mga lalake. Umayos ka. Tao ka, babae — matutong maghintay. Kumilos ayon sa prinsipyo. Please.

- Hindi lang ikaw ang may lungs. Meron din kami. Kaya kung pwede, sa malayo ka manigarilyo, o di kaya, magpagawa ka ng sarili mong kwarto na exclusive para sa yosi breaks mo. Nahihirapan akong huminga sa totoo lang. Baliin ko yang sigarilyo mo e, makita mo.

- Wala ka bang ilong? Try mo amuyin ang sarili mo. Ang baho mo, bumili ka naman ng deodorant, pabango o foot powder. Try mo rin magpalaundry ng damit, baka nasa paglalaba yan. Hilong-hilo ako kapag katabi kita.

- Naiintindihan ko ang pagpapatugtog ng malakas, pag-uusap ng laging pasigaw, pagtawa na para kayong nasa kweba’t walang kasama – naiintindihan ko lahat. Sana, intindihin niyo rin na hindi namin sinasadya ang pabagsak na pagsasara ng pinto dahil hindi naman talaga namin masara eh – try nyo.

- Nagpapasalamat ako na lagi ninyo akong hinihiling na ipagpray na opening ng program, ang pagkain, o kahit ano. Huwag niyo naman akong pagtawanan o kantahan ng, “walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”. Nakakalungkot lang isipin na pagkatapos ninyong makatanggap ng proteksyon, tatawanan niyo si Lord.
- Lakihan niyo naman ang sweldo ko. Magaling naman ako. Hehe.

- Alam kong ayaw mo sa akin. Hindi ako manhid, nararamdaman ko iyon. Huwag sana mangyari na marami kang sabihin na nega tungkol sa akin. Kalagim-lagim ang sasapitin mo kapag ginawa mo iyon dahil hindi mo naman ako kilala. Hindi naman kita papatulan, hindi ko naman iyan ikalalago.

- Sorry. Maraming maraming sorry.

* * * * *
Ayun lang. Hehe. Top 10 na iniiwasan kong sabihin. Naniniwala pa rin kasi ako sa mga linya ng Desiderata —
“As far as possible, without surrender,be on good terms with all persons.Speak your truth quietly and clearly;and listen to others,even to the dull and the ignorant;they too have their story.”
Nakakalungkot lang isipin na pagkatapos ninyong makatanggap ng proteksyon, tatawanan niyo si Lord.
-AMEN!
Lakihan niyo naman ang sweldo ko. Magaling naman ako. Hehe.
-AMEN LALO!
Money cometh! Hohoho
Hahaha.. Sana hindi ako yung pinatutungkulan mo dun sa isa.. hehe
At bakit naman hindi tol hehehe, love yah!
ahahaha.. Nagpapakabait nako noh.. hehe. Love you din tol.
im so clueless ako kung sinu yun mga to… pero napangiti mo ko dito “Lakihan niyo naman ang sweldo ko. Magaling naman ako. Hehe.”
Oh yes! Gustung gusto ko sabihin XD
treanding!
Love you zyra
Love you din of course kuya bino
grabe naman yung ipagduldulan ang dibdib kulang nalang ingudngod!! assuming…ako ba yan?! LOL wala naman kasi akong dibdib eh! hahahaha
Hahahah! Hahahaha!, Ingudngod talaga? Grabe.
Nakakalungkot lang isipin na pagkatapos ninyong makatanggap ng proteksyon, tatawanan niyo si Lord. — tama.
Opo, maraming ganyan. Hihi
salamat ryan
pwede bang gayahin to? hahaha
oo naman, trending ito eeeh
level up may images hehe!
oo hehehe kc 20 dapat, 10 lang ginawa ko
Relate ako dun sa “sigarilyo” Hindi ko pala naisama sa listahan ko yun. Parang ang sarap sabihan na itigil na ang paninigarilyo kasi nagkaroon na ng sakit dahil dun.. pero hindi ko masabi-sabi. Meron kasi syang rason. Sabi.. pag maninigarilyo ka, mamamatay ka. Pag hindi naman, mamamatay ka din.. Awts.. Wala.
Anyways.. trending na talaga to.
hahaha! opo. pinauso mu hehehe
Ate, ikaw na ata talaga yung na-feel ko na nagfollow ng instruction. Haha. As in yung mahirap talaga sabihin sa personal.
Hehehe yung tipong, pawisan ang palad ko at kili kili pag sasabihin ko ito ng personal? hehehe oo, grabe hirap!
Pingback: Top Ten: Dear Zyra « Blessed Zyra·
Pingback: SIGAWJUAN | bogsukoi·