FJC Ablaze 2012 Maximum

Blessed Zyra - Maximum 1

Ito ang pangalawang camp ko sa church na ito at masasabi ko na oo, mas maganda kesa dati. Hindi lang dahil, mas maganda ako ngayon kesa last year, pero dahil, iba ang naging paggalaw ni Lord sa tatlong araw na nandito ako.

Blessed Zyra - Maximum 2

Ikalawang gabi sa camp. Naghahanda ako ng prayer list.

Dati, akala ko, pangkabataan lang ang mga summer camps kasi ito ang nakagisnan ko — taon taon, dalawa hanggang tatlong araw kaming lumalayo sa aming mga magulang para lasapin ang presensya ni Lord. Tipong, pinapasama talaga kami ng camp nila Mama at Papa para bumait kami, kaya nga may isang beses, yung kapatid kong pangalawa, hindi pinasawa ng camp kasi hindi naman daw nagbabago ang ugali. Haha!

Blessed Zyra - Maximum 3

Ako, Ate Fer, Ate Lotts, Ate Gigi, at Ate Maya. Sila ang aking ka-camp cell groups. Ako lang ang Married sa aming lima :) Hehehe

Umaga, tanghali at gabi – nagkikita-kita kami ng aking mga ka-cellgroup sa pangunguna ni Ate Lotts Fabellore. Heehee, ang cool nya lang. Basta. Hehehe. I pray makita na nilang apat ang kanilang LTP (life time partners).

Blessed Zyra - Maximum 4

Ang mga kababaihan ng FJC Women of Blessing

Unang beses ko rin magamit ni Lord sa Ladies’ Ministry (grabe, nde na ako YP and this is real!). Kinausap ako ni Ate Ruby Lazaro para maging bahagi ng Core ng WOB (women of blessing), at kahit bata pa ako at wala pang anak, hindi ko na ito pinag-isipan. Go na ako agad. Opportunity din kasi ito at dahil ako ay isang work in progress, alam kong marami akong matututunan dito.

At dahil hindi ko pa ramdam magsulat, ito ang video ng nangyari noong camp (summary lang):

 

Para naman sa marami pang pictures, pindutin ito.

About these ads

One response on “FJC Ablaze 2012 Maximum

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s