Faithful Sunday: Come Up Higher

Blessed Zyra - Come Up Higher

Gustuhin ko man sundin ung format ng kung paano ito pinreach, hindi ko magawa kasi ang emo ng palabas (oo, nanonood ako ng tv habang nagbablog), nadadala ako. Haist. Grabe. May hinahanap na hindi makita, may hinihintay na hindi dumadating, pinipilit maging masaya kahit luhang luha na — pero sabi nga, joy ko ‘to. Halos mag-iisang taon na rin nung pinreach ito (Joy Ko ‘To) sa church.

Kanina, nagbubuo si bunny ng gundam sa sala. Tapos may dumaan na mga bata, napasilip sa bintana.
Bata 1: “Ang ganda ng robot. Paano kaya gawain yon?”
Bata 2: “Oo nga, ang ganda, may kopyahan siguro.”
Bata 1: “Ang ganda, sayang mahirap lang kasi tayo.”
Tapos nawala na ung mga bata.

Sayang. Kung alam lang nila na may Destiny na nag-aabang sa kanila. Tatayo na sana ako para kwentuhan ng konti, at sabihan na, “Bata, hinda ka mahirap lang. Mahirap ka sa ngayon, nahihirapan ganun, pero ngayon lang yan, try mo mangarap, managinip ganun” kaso nawala na sila.

Jeremiah 29:11 — For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”

Destiny.

Blessed Zyra - Destiny

Minsan, kakaisip ng destiny,
kakanganga habang nangangarap,
kakakayod para maabot ang rurok ng tagumpay, may hihila at hihila at hihila sa atin pababa — PULL DOWN! Di maiiwasan yan — mga KJ sa tagumpay pero nagpapatamis ng buhay.

Pero may isang tao sa Bible na hindi nalaman ng maaga ang destiny niya, tipong hindi ata niya naaninag o napaginipan, sayang, sayang na sayang. Kung alam lang sana ni Gehazi, ung servant (kaliwang kamay) ni Elisah (ung nakatanggap ng double portion of anointing ni Elijah), na nakatadhana na sa kanya ang 4x tindi ng blessing mula kay Lord, hindi na sana siya nagsinungaling, nagsinungaling sa pangalawang beses, at nagsinungaling pa ulit. Sayang noh?

Minsan wala naman kasi tayong oras na alamin kung ano ba talaga ung gustong mangyari sa atin ni Lord, lagi na lang natin sinasabi sa mga sarili natin na, “jologs si Lord”, “baduy magBible”, “nakakahiya magpray” —- paano natin malalaman, maiintindihan at matatanggap ang ating destiny?

Minsan, alam naman talaga natin ung destiny natin pero ang dami daming temptations. Kagaya ng sa mga kabataang lalaki at babae — destiny ng ilan na magkaroon ng masaya at pinagpalang pamilya. Pero ano ginagawa, pinagpapalit ito sa sandaling ligaya (necking necking, petting petting, one night stand na paulit ulit) — ewan ko ba. Ewan ko talaga, ganun ba talaga katindi at kahirap hindi-an ang temptasyon? Our destiny is too great to be distracted by trials and temptations.

Daming excited, natetempt tuloy — pero COME UP HIGHER.
Pull down lang ang temptations na yan.
Pull down lang ang trials na yan.
Bumangon tayo at durugin natin ang mga yan sabay sigaw ng, “Mas maganda pang destiny, parating na ako!”

Huwag tayong susuko, huwag tayong bibigay — ung temptations nga, hindi tumitigil sa panggugulo sa atin, dapat tayo din, wag tayong mapagod na tumanggi. Huwag tayong mapagod humindi, huwag tayong bibigay. Nandiyan naman si Lord eh, kaya Niyang palakasin ung kalooban natin basta makita niya lang tayong kumikilos at hindi bumibitaw.

Blessed Zyra - Persistence

Sabi nung isang dayuhang dukha (documentary ng GMA news TV), “life is too short to give up.” Kahit mahirap na mahirap na mahirap ang buhay, hindi bumibigay, hindi bumibitaw, hindi nagsasawa, hindi nagmumukmok at hindi kinaaawaan ang sarili.

Kaya kung alam na natin ung destiny natin, huwag tayong susuko — give up all our excuses and God’s grace will sustain us.

Maging Masaya, normal na mahirap ang buhay

Blessed Zyra - Joy

Ang sabi sa Matthew 6:33 “But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well.” Minsan, sa dami ng oppressors sa mundo, sa dami ng hihila sa atin pababa, at sa dami ng magbabaon sa atin sa lupa, tanging sigaw lang patungo Langit ang pwede nating gawin. Tipong, “Lord, maawa ka, ang hirap hirap abutin nung destiny ko, pero sabi Mo, di ba, tutulungan mo ako?” Hinihintay lang naman ni Lord na tumawag tayo — pero minsan talaga, bangag tayo, mas pinipili natin na maging kapiling ang alak, yosi at FB kesa kay Lord.

Simple lang naman di ba, kung gusto natin na mag-come up higher, magpahila tayo sa Kanya na nasa taas na. Hanapin natin si Lord palagi – araw-araw, minu-minuto, segu-segundo. Korni man sa mata ng iba, ayos lang. Jologs man o pandirihan man tayo, ang mahalaga, alam natin na tayo ang tama. Masarap kung si Lord ang humihila sa atin paitaas, kahit hilahin tayo man tayo ng mundo pailalim. Kaya nga mas masaya, kasi si God ang kakampi natin, wala ng iba.

So with you: Now is your time of grief, but I will see you again and you will rejoice, and no one will take away your joy.  John 16:22

7 thoughts on “Faithful Sunday: Come Up Higher

  1. ang ganda ng paliwanag mo ^^ kahit di ko narining yung preach na yun, prang itong sinabi mo ay isang kumpletong buod ng isang buong preach ng pastor ^^ GOd Bless of all us! Glory to God!

    • Amen amen amen :)

  2. I get your point, Zyra. In other words, may nakalaan nang magandang buhay para sa atin, pero tayo ang pilit na kumakawala. Marami kasing mga distractions…temptations…ang dami…

    It’s good to know that you shared this here in your blog. Para naman ma-enlightened ang mga katulad kong hindi pa sure kung saang path ang susuungin…

    • kuya soulhunted, ipahunt na natin kay Lord yan :) salamat po, salamat ng maraming marami sa pagdaan at pagbasa, glory to God po :D

  3. wee! i love it mare since temptation din ang gospel kahapon sa catholic church (pero im open sa christians hehe).

    Bakit mo nga naman hahayaan yung temptation na harangan ka para i reach yung destiny mo. Sabi nga “work with a purpose and with the lord”. Kung deep yung purpose mo, whatever comes along the way hindi ka matitinag. hehe.

    Pareho tayo, minsan hindi ko maiblog sa eksaktong way kung pano siya pinreach, pero atleast sa ganung way nakakagawa tayo ng sariling reflections. at dahil jan, damang-dama ko ang reflections mo. godspeed! Di bale ng jologs, basta laove natin si lord :)

  4. Naalala ko sayo yung bestfriend ko sa college. Christian din siya. Parehong pareho kayo, at binaso ko yung feature sayo ni Bino, tulad niyo prayer partners din sila ng husband niya ngayon. Siya ang nagturo sakin ng salitang “Mizpah”. Yung bestfriend ko naman na kasama ko na simula nursery, Christian ulit. Destiny ko yata maging bestfriend sila. hehehe, nakwento ko lang.

    Marami talagang nakapaligid na KJ sa atin. Kaya dapat palaging malakas ang faith natin at hayaan natin si God na magwork sa buhay natin. Madalas kasi sa bilis ng panahon sa kagustuhan nating maabot ang ating mga pangarap, nakakalimutan natin makinig sa kanya.

  5. natawa ako sa comment ko “Binaso” instead na “binasa” hehehe. sorry naman.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s