Pag-ibig.

Blessed Zyra - Pag-ibig

Pag-ibig ko. Pag-ibig mo.
Pag-ibig nating dalawa, walang sawa, walang duda.

Pag-ibig mo. Pag-ibig niya. Pag-ibig nila, sasawsaw ka.
Pag-ibig ninyong dalawa, minsan gabi, minsan umaga.

Pag-ibig niya. Pag-ibig mo.
Pag-ibig mong mag-isa, tatanda nang dalaga, di bale nang magkasala.

Pag-ibig niya. Pag-ibig ko.
Pag-ibig niyang mag-isa, wala daw sawa, pero kakawala.

Pag-ibig na madali, hindi tayo mapakali.
Pag-ibig na magaan, bakit tayo nabibigatan?
Pag-ibig na tapat, marami na ang salat
Pag-ibig na habambuhay, bakit parang gusto ng iba magpakamatay?

Tamang pag-ibig, timang pag-ibig
Maling pag-ibig, muling pag-ibig
Tamang pag-ibig, tomang pag-ibig
Maling pag-ibig, iling pag-ibig

Pag-ibig galing Langit, Pag-ibig ng Ama
Walang hanggang pag-ibig, masayang pag-ibig

Pag-ibig galing Langit, Pag-ibig ng Ama
Pag-ibig para sa lahat, pag-ibig na karapat-dapat.

8 thoughts on “Pag-ibig.

  1. Base. Galing galing.

    • salamat asel :)

  2. Ang tula ng Pag-ibig. Galing mo pala gumawa ng tula madam :D

    • ay salamat kuya :)

  3. ramdam na ramdam ko yung tula! kudos zyra!

    • salamat kuya bino :D

  4. Ako natuwa sa tula na to. Ang cute ng pagkakagawa. :)

    • cute din naman ikaw yow :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s