Para sa bumagsak sa UPCAT

Blessed Zyra - UPCAT

Ang post na ito ay para sa mga estudyanteng nakausap ko na ayaw magsi-aral at bigyan ng chance ang maliliit na campus sa paligid nila (deretsahan na ito: SPCBA) sa kabila ng katotohanan na bumagsak sila sa University of the Philippines -  College Admission Test.

Una sa lahat, hindi pa ito ang katapusan ng mundo. Hindi lang UP ang tanging unibersidad sa Pilipinas. Marami pa diyang iba, kung natanaw mo lang talaga ng tama. Yung iba kasi, Agosto ang Exam sa UP, hindi na nag-exam sa ibang schools at inantay na lang mag-Enero para sa resulta (sa mga panahong ito, tapos na ang admission exams sa PUP, TUP at Ateneo).

So pagdating ng Enero, nakita mo ang listahan – wala ang pangalan mo.
Sayang, naipaghanda ka pa naman ng tatay mo ng iPhone 4s bilang graduation gift (kung sakaling pumasa ka).
Sayang, street party na sana un sa lugar ninyo ngayong Chinese New Year dahil nakapasa ka.
Sayang, nakapag-shopping ka pa naman ng maraming bagong damit para sa araw-araw mong wash-day attire.
Sayang. Sayang. Sayang na sayang.

Kinulang ka lang siguro sa review. Kinulang sa motivation. Kulang sa inspiration. Maaaring kinapos ka ng inom ng Cobra Energy Drink kaya kahit gising ka kapag review, tulog naman ang brain cells mo. O pwedeng, kinapos ka rin ng dasal sa langit —- pero, pwedeng hindi, kasi para sa’yo naman talaga ang U.P. kaso dahil nagkasala ka, hindi naibigay sa’yo ni Lord.

Ang sakit di ba – pumasa sila doon, ikaw hindi. Pero bakit ka nga ba doon mag-aaral?
Para makatapos sa isang sikat at astigin na unibersidad?
Para ilag sa’yo ang classmates mo nung elementary na hindi nakapasa doon?
Para matuwa ang nanay at tatay mo na doon grumaduate?
Para bahagi ng mga iskolar ng bayan — kapisanan ng mga pinakamatatalino sa Pilipinas?
Para ma-glorify si Lord?
Para makatira sa dorm, malayo sa madadaldal mong kapatid?
Bakit doon mo gustong mag-aral?

Ngayon, bakit ayaw mong mag-aral sa maliliit na kolehiyo?
Kasi hindi mo naman ito kayang ipagmalaki kapag nagkaroon ng reunion ang classmates mo nung high school?
Kasi cheap, hindi bagay sa image mong astig?
Kasi kaya ka naman pag-aralin sa mas malalaking schools?
Kasi hindi sila kasali sa UAAP o NCAA?
Kasi baka hindi magagaling ang mga professors doon?
Kasi baka wala kang matutunan?
Kasi hindi mo magoglorify si Lord kapag andun ka, hindi kagaya kung nasa UP ka?

Para sa mga bumagsak sa UPCAT,
Huwag niyo pong pahirapan ang mga magulang ninyo na paaralin kayo sa iba pang mas mahal na eskwelahan. Kung pumasa kayo sa PUP, TUP, PLM, go na! Lalo na kung hirap kayo financially. Kung gusto ng magulang mo na mag-aral ka sa maliit na school, sumunod ka lang. Honor your parents, di ba? Hindi po eiyw ang mag-aral sa maliliit na kolehiyo. Pagyayabungin naman tayo ni Lord kahit saan tayo pumunta kung ayun talaga ang destiny natin. Kahit saan tayo mapadpad, ganun pa rin. Kung matalino ka, matalino ka. Kung masipag ka, masipag ka. Kung yayaman ka, yayaman ka. Nasa pananampalataya ito, wala sa pangalan ng iskwelahan.

Sa maliit na eskwelan din ako grumadweyt. Sa kolehiyo kung saan madalas kong marinig sa ibang mga kabataan ngayon ang pintas, ang pangungutya, at ang pagtawa — “Ah sa SPCBA? San yun”, “Sa SPCBA? Bodega ata un eh.” Nakakatawa na lang.

Doon, naging presidente ako ng JPCS chapter namin, naging editor-in-chief ng school publication, doon nadiskubre at nahasa na magaling akong magdesign, lima ang awards ko pagkagradweyt ko (glory to God) – kung sa UP ako nag-aral, baka isa lang medal ko (cum laude un, lakas ng loob ko lang). Mataas ang grades ko kaya kahit saang school ko gustuhin magmasteral o magdoctorate, pwede kong gawin. Hindi ako gumastos ng malaki sa pamasahe, hindi ako gumastos ng malaki sa pag-upa sa dorm, pag may sakit ako, madali akong makauwi. Walang hassle.

Ang pinakamalaking pabor na ramdam na ramdam ko na galing langit? Yung Sunday ako grumadweyt, Monday – may trabaho na ako. Sa SPCBA din ako nagtuturo ngayon, doon sa maliit na school na tinatawanan lang ng iba – maganda ang buhay ko, angat sa iba. Mahal ako ng mga magulang ko, meron akong disciples, meron akong cell group – lumalago ako. Lumalago kasi pinipiling lumago. Lumalago kasi hinihiling na lumago.

Para sa bumagsak sa UPCAT, hindi pa tapos ang lahat. Pwede kang magtransfer doon. Mag-aral ka lang mabuti.
Mangarap ka lang. Ngiti ka lang. Dasal ka lang.
Magsikap ka lang. Mag-aral ka lang. Pag-igihan mo lang.
Dasal pa.
Pangarap pa.
Ngiti pa.
Isang araw, nasa U.P. ka na rin (kasi isang araw, doon ka magmasters at magdodoctorate)

About these ads

24 responses on “Para sa bumagsak sa UPCAT

  1. Well said, from a student who graduated from SPCBA, and who is so far, at her best! Intellectually, financially, emotionally, and socially wise. ♥

  2. ay ako teh… sa AMA CLC ako grumaduate… Computer System Design and Programming natapos ko.. pero nasa ibang bansa na ako… dami ko nang naikot… dami ng napuntahan… asai pacific asia… halos makabisa ko na… nyehehehehhe… wala yan sa paaralan. minsan nasa diskarte yan… kaibigan ko grad ng Adamson.. com eng… ako clc lang… vocational pa.. pero nasa ibang bansa ako… nagtatrabaho.. siya nagbebenta lang ng bakal sa zamboanga… tunetunelada nga lang…. ehehehhehe hmmm… mablog nga eto….!!!!

  3. Super agree ako sa post na to. Hello nga pala. nakita ko post mo sa twitter hehehe.

    Alam ko kaya kung saan ang SPCBA! Jan nag-aaral ibang students ko. At Siguro, malamang sa malamang kung natapos ako ng high school sa San Pedro baka jan din ako nag-aral. Hehehe.

    Ako din hindi din naman ako natapos sa sikat na school, hindi private and school namin pero sa awa ng Diyos meron naman akong trabaho.

    Bakit kasi norms dito satin ang maging batayan ang pangalan ng school sa level ng education and madalas sa pagkatao. Porket ba public school hindi na pwedeng nakaka-angat.

    Hay naku wag naman sana nating paghirapan ang ating mga magulang at piliin ang kamangmangan.

    • Astig din talaga makapasok sa UP. Gusto ko rin ung mga magiging anak ko mag-aral doon pero hindi ko naman sila tuturuan sumagot ng “eiyw” at “ayoko dun hahaha” pag sinagot ko iyon na option. Hehehe

  4. tingin ko kahit hindi sikat na eskwelahan ibig sabihin balewala na. nasa nag aaral yan. kung hindi sikat ang school mo pero ikaw naman ang magpapasikat diba? dahil ikaw ang magiging top notcher sa mga exams dba?

    wala sa school yan, nasa pagtyatyaga yan ng magaaral. ^^

  5. tama yan. ako nga di ako na-admit ng 3rd year sa pinakasikat na school sa baguio. bale 2 years lang ako dun kasi di ako umabot sa quota ng para sa 3rd year.wala daw kasi ako sa top 300 kahit DL ako. yung nalipatan ko na school di rin sikat pero dun ko natutunan magdasal at maniwala sa diyos (salamat kay dean tingda). ngayon 2nd Lieutenant na ako sa Nurse Corps, AFP. laking pasasalamat ko sa Easter College dahil hindi ako napasama sa libo libong mga pinoy nurses na walang trabaho.

  6. wow.. astig na post napakalinaw.

    graduate ako sa sikat na school pero naiinggit ako doon sa mga hiskul graduate dito samen.. mas malayo na kasi narating nila..
    masasabi ko lang, hindi lahat ng tao matalino. pero lahat binibigyan ng pagkakataon para magsikap at paunlarin ang sarili..

  7. Tama! Di rin ako nag-graduate sa bigatin na school. Pag binanggit ko nga ang school ko, baka hindi lang san yun ang sagot, “merong ganun?”. Haha. Tama, wala sa school yan. Iisa lang din ang inaral niyo, sabihin nating mas mabigat ang pag-tuturo at pag-aaral nila pero sa huli parehas din kayo ng gagawin. Kung aasa kayo sa pagtaas ng antas niyo sa buhay dahil sa pangalan ng alma mater niyo, walang mangyayaring progreso. Kaya wag mawalan ng pag-asa, di ang pagbagsak sa UPCAT ang katapusan. LOL. Ang mahalaga, makatapos, makagraduate! Study hard, pray harder!

  8. I’m currently working on a Consulting/Outsourcing firm and sa panahon ngayon, most of the time, it really doesn’t matter na kung saan kang school nag-graduate, what’s more important is the experience that you have. Yes, may mga companies na may preference na schools, pero bihira lang sila.

    It really doesn’t matter kung sa sikat na university ka naggraduate or not, what’s important is how you present yourself during the interview and of course when on-boarding on the job na.

    Godbless zy! :)

  9. Hi Mam, I’m a student of PUP po, the exams were administered every February..hehe para lang malinaw! Sensya po nakiepal, ganda ng blog niyo e..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s