Ang Unang Trophy ko ay mula sa — PEBA!

Nagsimula akong magblog noong April 2006. Tapos natigil noong 2007. May isang blog post ako nung 2008 tapos nagbalik loob ako noong September 2009. Kung simula nung isinilang ung blog ko, limang taon ang hinintay ko bago ako magkaroon ng recognition dito sa blogosphere tapos ang award na iyon ay pinadaan ni Lord sa PEBA: Pinoy Expats/OFW Blog Awards.

Kaya pala pang Top 5 – kasi limang taon ang hinintay. Pinaghalu-halong kilig, tuwa, kaba at gutom ang naramdaman ko noong December 9 (Friday). Kilig kasi Finalist daw ako. Tuwa kasi aakyat ako ng stage. Kaba kasi 6pm nasa kalsada pa rin ako at no choice, sasakay ng MRT. Gutom dahil —— gutom ako.

Ang Butterfly Trophy mula sa PEBA (Larawan mula sa Damuhan.com)

Kasabay ng unang trophy na ito ang unang beses kong makasakay ng MRT at ang unang beses kong makapunta ng Trinoma. Ito rin ang unang beses kong sumali sa PEBA. Ang aking entry, ang Nandito na si Papa, ang napili bilang ikalimang karangalan sa OFW Supporter’s Division.

Ayan (mula sa kaliwa) si Sir Duking (ung Top 1), si Jay, Ako, Empi at si Sir Joey (idol ko ito sa Photography) Larawan mula sa Damuhan.com

Bago pa matapos ang awarding, naisip ko, napakatindi ng ispiritu ng pagkakawanggawa (kung ito man ang tagalog ng Volunteering Spirit) ng organizers ng PEBA. Yung iba, imbes na nanonood ng TV o drama, nagtatyaga sa Live Stream ng event. Yung mga nasa venue mismo, natataranta, nag-aalala sa mga mangyayari e kung iisipin, wala naman silang bayad., tipong kami, nag-eexpect kaming mananalo — pero sila wala silang inaasahan na kapalit. Basta, astig kayo PEBA \m/

Malaki ung space sa kaliwa kasi si Sir Jim Paredes sana yung katabi ko, kaso dahil OA ang traffic, hindi ko siya naabutan. Ahee, smile pa rin. (Larawan mula kay Damuhan.com)

Nung December 11, nag-email si Jyppe ng The Creativity Window at ang tanong niya: “If you were given a chance to speak on stage after receiving your PEBA 2011 Award, what would be you message?” Ito naman ang naging sagot ko:

Yung karangalan pong ito, nakakahiya po na hawak ko ngayon kasi tungkol sa tatay ko ung isinulat ko pero hindi ko sya kasama sa mga oras na ito. Kaninang umaga lang nila nalaman ng nanay ko na pupunta ako ng trinoma at magbabakasakali na tumanggap ng award. Sayang, hindi nila ako nakikita ngayon, sayang hindi nila ako napapanood.

Nahihiya po talaga ako. Ang daming tao.
Pero lalakasan ko ang kalooban ko kasi natutuwa ang mga magulang ko, tapos pumapalakpak sila ng mas malakas pa sa kahit na sinong nandito ngayong gabi. Ang karangalang ito ay para sa aking dalawang tatay.
Sa Tatay kong nasa langit – kay Lord, hehe ang bait bait bait mo talaga sa kin. Sa’yo ang lahat ng papuri. Sa tatay ko naman na baka nanonood lang ngayon ng TV habang nagbabalat ng sibuyas, salamat po dahil pinatapos nyo po ako ni nanay ng kolehiyo. Salamat dahil ikaw po ang tatay ko hanggang ngayon.

Grabe, hindi ako ng speech nung grumaduate pero eto po, nag-i-ispeech na po ako ngayon. Astig to. Salamat po talaga.

Salamat sa PEBA, binigyan nyo po ako ng pagkakataong magpahayag, na kahit saglit, sumikat ako kasi pangarap ko ito.
Salamat po dahil bumalik kayo dito sa pilipinas, nagdala kayo ng pagbabago, at patuloy nyo kaming hinihikayat magbago at umunlad,
Maraming salamat po sa inyo.

Pero dahil puro kalokohan ang alam kong gawin sa personal, ito ang nasabi kong speech pagkatapos namin magdinner (after ng event)

At hindi pa ako nakuntento, ito pa ang isa:

Heehee
Maraming maraming maraming salamat PEBA!

Salamat din sa lahat ng sumuporta sa akin. Sa Diyos, ang papuri.

About these ads

20 responses on “Ang Unang Trophy ko ay mula sa — PEBA!

  1. hmmm, gusto mo maging volunteer ng PEBA para maging astig ka rin? hehehe

    2 years na ako sa PEBA, maraming problema, maraming trabaho, pero masaya :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s