Pasalubong

Blessed Zyra - Pasalubong

Gumising ako isang tanghali
Bumangon ako at nagmadali
Tawag ni nanay ay agad sinagot
Para siya ay hindi sumimangot:

 “Nay, pasalubong,” wika ko
“Isang happy meal,” ang pili ko.

Masaya akong bumalik sa aking higaan
Inisip na linggu-linggo ay may bago akong laruan
Kung ilan ito ay hindi ko na matandaan
Basta mahaba na ang aking listahan

Mula kay Hello Kitty, Toy Story, hanggang kay Kung Fu Panda
Lahat ito, halos nakolekta ko na
Spy gadgets, koloreteng pangparlor at mga baso
Lahat ito, aking natatanggap at inilalagay sa aking kwarto

Tuwing linggo, isang oras lang kami magkita ni Inay
Naninilbihan kasi siya sa bahay doon sa may Tanay
Ako na lang mag-isa dito sa aming bahay
Dahil kumabit sa iba ang aking Tatay.

Gustung-gusto ng nanay ko magbigay sa akin ng laruan
Kahit alam kong siya ay talagang nabibigatan
Ito lang daw ang nagpapagaan sa kanyang kalooban
Dahil linggu-linggo niya rin akong iniiwan.

Labing siyam na taon nang ganito
Kahit minsan ay hindi nagbago
Pasalubong na aking natatanggap linggu-linggo
Sana ay magtapos pagdating ng Marso.

Doon makikita ni inay ang pagtatapos ko sa kolehiyo
Na sa kabila ng lahat ay hindi ako nagloko
Na ako’y hindi nagrebelde o bumaling sa bisyo
At doon ako ay magsisikap upang maging mabuting guro.

Pasalubong at presensya ni inay ang sa aki’y nagpapasaya
At alam kong natutuwa ang puso niya pag ako’y nakikita
Bawat laruan na aking nakukuha ay mahalaga,
Teka, ano naman kaya ang laman ng happy meal  na iyon mamaya?

Ang Tula na ito ay aking lahok para sa Saranggola Blog Awards 3.

7 thoughts on “Pasalubong

  1. Mafeature na kaya yang bahay na yan sa Rated-K? hehehe

    congratz sa iyong entry
    hangad ko na ikay manalo :)

    happy bunny day

    • Kasi maraming toys? hahaha kolektor ng hapi meal? Hehehhe happy bunny day din

  2. ganda :)

    • wow maraming salamat grabi

    • astigin kuya :) salamat :)

  3. Astig to teh’
    Good luck sa ‘yo, sana manalo ka.
    Nivote pala kita dun kay kuya bino. :)

    • waaaah talaga? huhuhu salamat ng maraming marami~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s