Nandito na si Papa

Alas tres na (ng hapon). Ang tagal naman dumating ng mga ka-service ko.

“Kuya Roger, sa tingin mo, nasa bahay na kaya si Papa?”

“Ah, siguro. Sabi ng mama mo, Alas onse (ng tanghali) daw ang lapag ng eroplano ng papa mo.”

 Nandito na ang tatay ko.

                Pagdating ko sa bahay ay sarado ang lahat ng pinto. Mukhang wala namang nagbago. Ito lang ang tanging balik ng bayan ng tatay ko na naaalala ko. Pagpasok ko  ng gate ay sinalubong agad ako ng lola ko at agad ko siyang binati, “Nay, nandyan na po si papa?.” Hindi naman siya sumagot at patuloy lang na nagwalis ng bakuran.

Pagbukas ko ng pinto at pagpasok sa aming sala ay nakita kong nag-aayos ng AIWA na component ang tatay ko. Tinetesting nya ung mga CD kung gumagana (hindi pa uso ang cd player noon, radio at cassette tape players lang ang mayroon).

Natuwa ako.

Pramis, ang saya ko.

Galak na galak ako sa nakita ko.

Bumalik na ang tatay ko.

                May nagturo na ulit sa akin ng spelling tuwing bago ako pumasok ng school (shifting po ang nanay ko sa isang semiconductor company dito sa pilipinas kaya palagi niya lamang kaming binibilin sa aming lola).

May nagtitimpla na ulit ng iced milo (na hindi ko alam kung bakit nilalagyan ng yelo ang milo noon dahil lagging mainit na milo ang binibigay sa amin ng lola ko) tapos pupunta kami sa park ng subdivision.

May nagtutulak sa amin sa swing doon sa park.

May nagpipilit sa amin na isaulo ang multiplication table.

                May tatay na ako ulit na kasama ko.

Pero umalis siya ulit pagkatapos ng isang buwan.

“Papa, kalian ka uuwi?”

“Pagkatapos ng dalawang taon. Zyra, mag-aral kang mabuti. Ipinapadala sa akin lagi ng mama mo ung mga grades mo sa school. Pag-igihan mo dahil ikaw ang panganay. Bantayan mo lagi ang mama mo kasi palagi siyang pagod. Sundin mo palagi si nanay (yung lola namin). Magchurch ka palagi…”

“Pwede po bang hindi ka na lang po umalis?”

“Bakit?”

“Kasi wala po akong tatay dito.”

“Hindi pwede. Kailangan naming magtrabaho ng mama mo para sa inyo. Lagi akong tatawag. Babalik din naman ako.”

Umalis na ulit ang tatay ko.

Pero gumaling ako sa spelling.

Natuto akong magtimpla ng iced milo.

Naisaulo ko na ang multiplication table.

Nag-aral ako mabuti.

At ginawa ko ang lahat ng kanyang ibinilin.

Bago ako grumaduate ng elementary,
Bumalik na ulit ang tatay ko,
AT HINDI NA SIYA UMALIS.

                Nakunan kasi si Mama.

Maraming nagbago.

Pero masaya ako.

Masayang masaya ako dahil kasama ko na ang tatay ko.

Tinuro niya yung gamit ng bawat gamot sa bahay, para kapag may sakit ako, ang kapatid ko o si mama, pwede akong asahan.

Tinuruan niya akong magluto.

Tinuro niya sa akin ang tungkol kay Lord.

At doon pinakanagbago ang lahat.

Sa Saudi kasi mas nakilala ni Papa — si Lord.

 

                At ipinagmamalaki ko ito.

Isang araw nagpatotoo si papa sa aming Church:

 “Mga kapatid, pangarap ko maging Pastor. Gusto kong paglingkuran ang Diyos ng todo. Iyong tipong walang ititira, sagad-sagaran. Pero hindi ko magawa. Kinailangan kong magtrabaho. Hindi ko maiwan si misis at yung mga bata…”

                “Nag-abroad ko. Matagal akong nawala dito – dito sa Church. Pero masaya ako, pakiramdam ko blessing na rin. Nandito si Zyra – kapag nakikita ko siya na nakatayo sa stage, masaya ako, nakakatuwa. Sabi ko nga, “Lord, hindi mo man ako ginamit ng sobra dito sa gawain mo, salamat dahil ginamit mo ang aking anak para dito.” Ang sarap sa pakiramdam…”

Mahaba pa iyon pero yun na lang ang naaalala ko sa patotoo ni Papa.

                 Ang alam ko, naging ganito ako dahil sa kanya.

Totoo. Maaaring hindi niya nagawa na baguhin ang takbo ng buhay ng lahat.

Pero may isa siyang buhay na binago…

At iyon ay…

AKO.

Blessed Zyra - Kasama si Papa

Dahil magbebertdey na ako, narito ang isang larawan na kuha rin nung birthday ko (October 19, 1990) kasama ko si Papa dito. Ahee.


Blessed Zyra - PEBA LogoIto ay aking suporta para sa PEBA 2011. Maghatid sana ito ng tuwa, inspirasyon at pagbabago sa lahat. Maraming Salamat PEBA. ♥

Yehey

Blessed Zyra: PEBA OFW Supporter Nominee #10

22 thoughts on “Nandito na si Papa

  1. Maraming salamat sa iyong katha, nakarelate ako, dahil tulad mo inaasahan ko rin ang mga anak ko na naglilingkod sa church kasama ng mama nila, salamat din sa suporta mo sa peba. Advance Happy Birthday Zyra.

    • Thank you kuya Kiko :) Lagi kang dumadalaw dito, yehey :)

      • Very Inspiring Story… Keep it up… God is good and always works in mysterious ways… Happy Birthday Zyra! God bless you & your family always…

      • Thanks po :)

  2. habang binabasa ko nasa isip ko na iko-comment ko,isa-suggest ko na ipasok mo ito sa PEBA lolzz tapos nakita ko ung logo ng PEBA, ayun na pala! hehehe

    goodluck sa iyo, malamang hindi man Top 1 sigurado meron kang makukuha dito. Ikaw pa! Lakas mo yata sa Kanya :)

    • Salamat kuya CM :) masaya naman ako nung ginagawa ko ito waheee :) See you soon :)

  3. ayos!!! hangad ko manalo ka sa PEBA :)

    • salamat kuya bino. hindi pa naman ako approved pa na nominee lels

  4. Good luck sa sinalihan mong contest! :) Very entertaining post, btw. :)

    • ahee salamat po sir robert :)

  5. inspiring story sana manalo ka zyra good luck….

    • talaga po? salamat po mam :)

  6. maganda at talaga naman nagiiwan nang kakaibang kurot sa puso sa mambabasa.

    goodluck zyra :)

    • salamat kuya ha. natatouch po ako :) salamat ulit.

  7. parang katagang pang-patalastas ng mga sumusoporta sa mga magigiting na manggagawang pilipinong nakikipagsapalaran sa banyagang lupa. hangad ko ang iyong panalo sa patimpalak na ito :)

  8. I think AIWA and MILO should pay you for online ads

    • haha they need not to.

  9. Good luck po…

    • salamat :D

  10. gusto ko to.. gud luck po.

  11. Congrats Zyra for winning in PEBA!

    kakabasa ko pa lang yung entry mo and naalala ko rin yung mga moment na tape kong tape kami para sa pagpapadala ng bilin sa mga kapatid ko sa ibang bansa pati dun sa uncle ko na namatay na.

    pero siempre walang binatbat ang technology sa personal touch di ba? heheh

    mabuhay!

  12. Mabuhay ang mga daddy’s Girl MABUHAY! Muntik na akong di mabuo at iba ang naging asawa ng aking mudra kung di na-illegal recruiter ang tatay ko, bongga right?

    Anyway, I am glad that your dad is very proud of you. I hope he is even prouder of you kasi you can inspire people through his sacrifice. ^.^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s