Tungkol sa mga Billboard sa EDSA

Yung mga billboard sa EDSA na iyan, taon-taon na lang ay binabalitang tatanggalin, aalisin, ibababa, papalitan o sasampahan ng kung anu-anong kaso — na minsan, nakakasawa na ring pakinggan.

Kung tungkol sa issue ng ‘Freedom of Expression’
Napanood ko ito ng isang beses sa TV, oo isang beses lang — yung tunkol sa isang lalake na nagagalit sa MMDA gawa ng freedom of expression daw ung mga sexy billboards at kung anu-ano pa. Bakit? Tamang avenue ba ng freedom of expression ek-ek na yan ang mga billboards? Wala naman kumekwestyon sa karapatan nilang mag-advertise pero ganon na ba kadesperado makabenta ang mga kompanyang iyon na pati ang moral values na itinuro sa kanila noong kindergarten ay kinalimutan na nila? Hinahayaan na nga mag-advertise sa TV, sa sine, sa magazine at sa websites ng sexy ads pero pati sa mga billboards? Hello naman. Hindi na kayang takpan ng mga magulang ang mata ng mga anak nila pag dumadaan sila sa kalsada at hindi rin yun kayang iwasan ng mga motorista pag sila ay pumapasada o nagsisirampa.

Kung tungkol naman sa mga permit-permit na kesyo wala daw permit ang mga billboards…
Una
—- para sa mga kompanyang iyon. Ok may pambayad kayo ng pangprint ng higanteng billboard, graphic designer, photographer at model pero para sa permit WALA. Anung klase yun?
Pangalawa
—- para naman sa MMDA. Nirerespeto ko po talaga kayo dahil isa kayo sa inilagay ni Lord na dapat naming sundin. Suggestion lang po — pwede po bang mas higpitan ng 200x ang pagchecheck ng mga permit permit na yun bago po ilagay? Pede naman po di ba? Tsaka madali lang naman po siguro iyon. Kung mahirap po at time consuming, may mga volunteers  naman po na mapagkakatiwalaan.

Kung tungkol sa mga batas ng Pilipinas na lang sana ang ilalagay sa mga billboards, o di kaya tungkol sa mga pagiging mabuting tao, yun sana ang nababaon sa isip at puso ng mga Pilipino.

About these ads

12 responses on “Tungkol sa mga Billboard sa EDSA

  1. Sa una lang naman yan.. Tapos pag nalaon, say bigyan lang natin ng mga ilang buwan, I’m sure that will happen again tapos mag rereact ulit yung mga tao. I think walang katapusan yan.
    Hindi kasi mahigpit ang mg bantay dito eh..
    (Kunwari pikon din) ahehe.. :)

  2. When you think about it, ads are supposed to catch their targeted audience’s attention, since ultimately naman, they are trying to sell something. When you think about it, if you were working for bench, say, sa advertising/marketing/whatever-they-call-them-people-responsible-for-this, how else would you sell underwear?

    I don’t think this has anything to do with values or morals at all. I think the issues surfaced because of the values we pretend to have. The values that we pretend to keep.

    If these ads were taken down for immorality, then our people deserve the mockery they get from all over the world. When you come and think about it, there are a lot of people who complained about these billboards being “bastos” because they find it offensive, scandalous, even. Pero diba even if they see these billboards that way, they should understand that there are people who don’t find them bastos at all. It would have been better if they just shut up about it and deal with their issues about them with their own circle of people. When you compare it to say, people who find religion unnecessary, a respectable person nonbeliever would not go around telling everybody else that their religions are useless. Just trying to make a point. :)

    Hello pala Zyra! Haha. :p

  3. Haha..talagang intense post to ah..I get your point..kaso kc ngyn tlgang pera pera lang..harsch reality

  4. Pag nakakakita ako ng billboards lalo na sa Maynila, hindi ko na gaanong pansin kung ito ba’y moral o immoral, kung maganda ba, guwapo o hindi ang modelo. Ang unang iniisp ko ay kung matibay ba ito at hindi makakaperhuwisyo kung sakaling may masamang panahon o may kalamidad tulad ng lindol. Pagkalalaki kasi nila, parang giants na nakakatakot hihihi

  5. wala kong kaso sa mga billboard na sexy kung nasa lugar naman ang pagaadvertise nila (gaya ng sabi ni vajarl) at meron silang kaukulang permit… pero kung magbebenta ka ng sabon pero model na naka bra’t panti naman ang nakabalandra, kamusta naman? o kaya toothpaste yung product pero curves naman ni sam pinto ang focus, ano yun slimming toothpaste (fitrum lang yan! wow naman!)….

    and besides, walang pinagkaiba sa mata ng bata ang makita sina coco martin ng malapitan pag dumaan sa store ng bench na naka brip lang sa isang life size poster kaysa malaking billboard na malayuan.

  6. Di naman dapat talaga ipaskel yang mga underwear sa edsa o kung saan man, ang dapat sisihin jan ung gumawa ng batas…nasa batas na di pwede ung underwear kapag maglalagay ka ng billboards, pero aprubahan pa rin nila kahit kita na kaluluwa, kaya etong mga advertiser nawiwili, pwede naman pala kahit may batas eh…bulok lang talaga ang sistema ng gobyerno natin…

  7. tama ka diyan ate Zyra.. sana yung mga taga MMDA check nila mabuti yung permit.. kasi i think hindi sila maglalagay ng billboard diya kung walang permit.. hahay.

    Tama sana bersikulo sa bibliya ilagay nila para magiging mabuting tao ang mga nakakabasa nito.. hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s