Bawal Magpigil ng Wiwi

Martes ng gabi — nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay namin dahil naiihi na ako. Nung malapit na akong matapos, bigla akong nakaramdam ng sakit. Hindi ito ung unang beses na nakaramdam ako ng makirot-kirot sakit pag patapos na akong umihi, ung tipong hapdi ng balisawsaw? Ganun.

Nung summer din nung isang taon, nadiagnose ako na may Urinary Tract Infection (UTI) ako. Hindi ako nakainom ng buko noon dahil kasabay nun, may ulcer ako. (Nandito ang istorya nung sakit ko noong isang taon: CLICK!)

Kahapon ng umaga, nakaramdam na naman ako na kailangan ko umihi kaya nagbanyo ako. Nung patapos na, grabe ung kirot. Tapos sinilip ko, may gradients na medyo mapula. Eh wala naman akong buwanang dalaw noon kaya natakot ako — NATAKOT AKO as in. Tinext ko ang aking poging asawa, tapos, tinawagan ko habang humahagulgol. Birthday pa man din ni Lester kahapon pero uuwi daw siya ng maaga para samahan akong magpacheck up. Tinext ko na rin ung mga kapatid at magulang ko. Dumating ung pangalawa kong kapatid na si Kris(na may dalang sulat galing sa tatay kong nag-aalala pero hindi makaalis at maiwan ang negosyo) para kumuha ng urine sample ko at siya na daw ang magpapaurinalysis sa kalapit naming hospital habang wala pa daw si Lester.

Resulta ng Urinalysis

Resulta ng Urinalysis: Nung una, tawa kami ng tawa ni Kris kasi hindi namin alam basahin

Tapos, dumating na si Lester galing sa opisina. Sinulat ko pa sa birthday card na bigay ko sa kanya na ayoko magpacheck-up. Naaawa naman siya na parang gusto niya na akong pagbigyan. Pero kailangan pa rin daw itanong sa doctor ang ibig sabihin nung urinalysis at para makakuha ng reseta.

Walang pila nung dumating kami sa Medical Center of Muntinlupa. 100/80 ang aking BP at 118lbs ang aking timbang (ngayon ko lang nalaman na after 4 years, 6lbs lang ang dumagdag sakin). Tapos kinausap ako nung doctor.

Doc: Bakit anong problema?
Ako: Masakit po pag umiihi…
Doc: Kailan pa yan?
Ako: Kagabi po.
Doc: Naku, mahilig ka ba sa chichirya?
Ako: Hindi po.
Doc: E sa softdrinks?
Ako: Medyo po. (Kc ung McFloat ang naiiisip ko dito, dami kong mcfloat na nainom last week, combo pa ng large fries)
Doc: NAGPIPIGIL KA BA NG IHI?
Ako:
Opo.
Doc: Huwag kang magpipigil ng ihi anak.

(Tapos, pinaupo nya ako sa kama. May tinapik tapik sa likod ko)

Doc: Ang daming nana.

(Tapos, pinahiga nya ako. Pinisil ung lower abdomen, puson, etc)

Doc: Masakit dito? Dito? Eh dito?
Ako: Hindi po. Di rin. Ay opo, masakit.

(Tapos, bumalik na kami sa consultation table at inexplain nya na ung result ng urinalysis)

Ung RBC count ko ay 35-40 (wala naman akong dalaw), ang dapat daw ay 0-5. Nakakatakot. May blood!!!
Tapos ung pus cells count ko ay 5-7, na ang normal daw ay 0-2.

Pus cells are leukocytes (white blood cells), specifically neutrophils, which attack bacteria and fungi. some are living, but pus mostly consists of dead cells.

Meron pa cyang sinabi, ung color daw ng wiwi ay dapat clear eh hazy ung akin. Dapat din daw negative ang albumin pero may trace ung akin.

Reseta

Ang Mahiwagang Reseta: Ganun pa rin ang prescription. Kagaya last year, twice a day for one week. Kahit pakiramdam ko daw ay ayos na ako pero wala pang one week, dapat daw ay ubusin ko ung 14 pcs.

Ang Gamot

Ang Gamot: Tumatagingting na PhP61.00 ang isa. Health is wealth nga naman oo.

Maraming ipinagbawal. Bawal na ang maaalat pati ang soft drinks (caffeinated drinks). Low sodium diet ganun kasi pangalawang beses na ito. Nung gumaling kasi ako noong isang taon, mga after two months, nagsoftdrinks ako ulit at kumain ng chichirya. Pinapalayo na ako ni bunny sa McDo (awe) dahil puro maalat daw ang pagkain doon.

Ayun, simula kahapon, nakakadalawang pirasong gamot pa lang ako. May 12 pa. Medyo masakit pa rin pero kasalanan ko rin dahil hindi macontrol ang pagkain.

Pray.Pray.Pray.

About these ads

12 responses on “Bawal Magpigil ng Wiwi

  1. inom lang maraming tubig o kaya cranberry juice…google mo ung red juice, mahal pero effective daw sa karamihang sakit…

  2. Hi Zyra,
    If a person often uses pantiliners, it can also contribute. Yung friend ko was advised by a doctor from St. Luke’s na wag gagamit ng pantiliner madalas, hanggat maaari. Kung di naman maiwasan na gumamit, dapat daw hanggang 4 hours lang gagamitin at the most then palit na agad.

    Sana ay gumaling na agad UTI mo. Magastos magkasakit :(

  3. Mayo nabasa ako dati, it helps daw uminom ng 1 liter na tubig upon waking up every morning, yung di pa nagmumog or nagtake ng kahit anong food or drink. Hay, kelangan ko rin i-apply ko. I’ve been eating lots of junkies lately.

  4. ma’am… i don’t know that you’re in that situation pala… and i keep on bothering you with my own happiness ,sorry po… ma’am get well soon…I’ll pray for you, when i see your post, I remember my younger sister and my dad to…their situation is acute, they both fainted often…I just keep on praying
    i felt really sad and guilty… about what I’ve cause others…I’m only thinking of myself… ma’am get well soon…
    Hoping God hears our prayers and heals our loved ones.
    When life gives you boundaries, P.U.S.H. it away..
    P – ray
    U – ntil
    S – omething
    H – appens
    And let God do the work:)

    • Nyek. Nasa mabuti naman akong kalagayan.
      Salamat sa lahat.
      Hehehe may UTI lang ako.
      Buhay pa naman ako at may chance pang mag-ingat :)

  5. Naku mam pagaling ka po. nga pla, ang daming Uritracin sa bahay, nurse po kasi ate ko. may UTI rin. anyways, pagaling ka po at huwag na magpigil ng ihi. be blessed as always. :)

  6. we have same experience. recently ko lng po ito naramdaman.. mga 3days ago na po akong ganto ang pag ihi.. masakit nga po cia pagpahuli ng drop.. :( im suffering for this and my schooling affect too much.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s