Likas-Yaman
Luntiang kapatagan
Aking napaginipan
At hindi na nawalay sa aking isipan
Siya’y nais kong makamtan.
*
Isa, dalawa, tatlong taon
Lanta na ang maraming dahon
Pangarap ko’y parang nasa kahon
Inilibing, dapat kalimutan, parang ibinaon.
*
Kislap ng hamog sa mga dahong bagong yabong
Sinabayan ng mga amoy ng bulaklak na masamyong
Patuloy kong hinangad, nanalangin doon sa may bubong
Nawa pakinggan ang aking mga bulong.
*
Alipin ng iyong ganda
Itong aking lubog na mata
Kailan kita muling makikita
Pag ako ba sa mundo ay wala na?
*
Sa pagtulog na lamang ba kita yayakapin?
Saan kita hahanapin?
Sa mga larawan o magasin
Doon ka na lamang ba maaangkin?
*
Yaring-likas sana ikaw ay makatakas
Kinulong ka ba nila, sinaktan o binalasubas?
Sa sariwa mong hangin nais kong makaangkas
At damhin ang mga ihip mong malalakas.
*
Araw-araw akong nauuhaw
Na makainom sa tubig na umaapaw ang linaw
Makita rin ang kalangitang bughaw
Na pag gabi’y kita ang bulalakaw.
*
Muli kang manumbalik
Ako ay sabik na sabik
Magpakita ka, huwag lang pag ako’y humihilik
Upang sa mga halaman mo, ako’y makahalik.
*
Ang pangako ko noon ay napako
Sa dumi at pagkasira hindi kita inilayo
Ngunit sana huwag kang tuluyang maglaho
Dinggin mo ang aking pagsusumamo.
*
Nawa bigyang kulay muli ang mundong naluluoy
Likas na yaman, kalikasan maawa ka sa aking panaghoy
Halika, hindi kita isusuong sa apoy
Ilalayo kita sa mga nilalang na sayo’y mantataboy.
___________
Demolisyon Express
Sa isang biyahe patungo kung saan
Isang tandang ang aming muntik masagasaan
Nagtatatakbo, pinipilit makalipad
Hinahanap ang kanyang pugad
Na ‘di alam saan na napadpad.
*
Hindi pa man kami nakalalayo
Doon sa O kay sarap iprito
Grupo naman ng mga ibong parang hilo
Ang sa ami’y napahinto.
*
“Ano ‘yan meeting?”
“Uy ang cute, picture-picture!”
“Cute ba yan? Katakot nga eh”
“Awts. Lupet dami ibon”
*
Pagbaba ng sasakyan lumingon ako sa paligid
Tinanaw ko ang bawat anggulo ng masugid
Puro bakal, bato at buhangin
At mayroong isang batang uhugin
*
“Totoy,” sambit ko doon sa batang palangiti
Habang sipon niya’y tumutulo patungo sa kanyang labi
“Bakit walang puno sa tabi-tabi?
Kahit damo o halaman, bakit puro dyipni?”
*
“Ah ayan ba Ate?,” agad niya akong tinugon
“Ipinatanggal daw po,” ‘yan ang kanyang sagot
“May itatayong mall sa banda roon,
Para daw po umunlad tayo at mawalan na ng simangot.”
*
Ibinalik ko ang tanaw sa mga mayang tila sumisigaw
At bigla kong naalala ang mga manok na parang naliligaw
Mga walang masilungan, inagawan ng tahanan
Ipinagpalit para lamang sa libangan.
*
Giniba ang kanilang pahingahan
Pinalitan ng bato ang mga patag na luntian
Hindi na nga ba nag-isip, idinaan sa mabilisan
Pag-iyak nila ay hindi na pinakinggan.
*
Bumalik kami sa oto at bumuga ng usok ang tambutso
Muling naglakbay ngunit tumatakbo sa aking ulo
Na kay raming luho ng tao
Kinakayang tiisin pati ang pagluha ng mundo.
*
Nawawalan na ng kanlungan mga hayop na nakatira dito
Masaya nga tayo pero sila’y nagkakagulo
Daig pa natin magparusa ang mga walang puso
Daigdig na hindi naman atin ngunit ating tinatrapo.
_____________
Telebabad
Maingay pa sa volume 10 ng radio
Ang galit nag alit na pagtahol ng aso
Kainis, may kausap pa ako sa telepono
Tsismisan nami’y tungkol kay Papa Piolo.
*
Lalo pang nagwala ang aming bantay
Biglang kumulog ng wagas, parang nakamamatay
Naputol ang linya, natigil aming tsika.
Badtrip talaga, minsan lang ako makibalita.
*
Sa ilang segundo bigang lumuha ang kalangitan
Kaya’t telebisyon na lang ang aking pinagbalingan
Lubog na daw sa baha doon sa may kanluran
Lalanguyin na raw pati kanilang mga lansangan.
*
Naalala ko dati’y ganoon din dito sa aming tahanan
Inabot ng tubig pati ang aking unan
Nasira pa nga an gaming kalan
Kami’y nagutom dahil walang mapaglutuan.
*
Ilang taon na rin pala ang nakaraan
Noong naghikahos ang aming bayan
Ang galit ng kalikasa’y hindi naming nilabanan
Bagkus ay umahon ng may pag-asa at maraming natutunan.
*
Pagkatapos noo’y tinanim naming ang aral
Alam ko na iyon ay nagmula doon sa Maykapal
Inabuso ang kalikasan dahil siya’y walang laban
Ginamit ng paulit-ulit tapos ay pinabayaan.
*
Sampung taon kami’y bumawi
Pinilit baguhin ang mga dating gawi
Minahal ang paligid, iyon pala’y kawili-wili
Kaya mahimbing aming pagtulog gabi-gabi.
*
Ay, tapos na pala balitang aking pinapanuod
Kawawa naman silang doo’y inaanod
Kailan kaya nila matututunang sumunod
Sa paalala ng langit, ‘pag pudpod na kanilang mga tuhod?
*
Dumaan lang ang ulan kaya’t aso’y aking sinigawan
‘Pst, tahimik! Hindi tayo nanakawan!”
Kaya’t siya’y bumalik, walang imik sa kanyang inuman
Teka, may nagriring, mukang tuloy na ang aking kwentuhan.
Demolisyon Express
Zy Ordoño
Sa isang biyahe patungo kung saan
Isang tandang ang aming muntik masagasaan
Nagtatatakbo, pinipilit makalipad
Hinahanap ang kanyang pugad
Na ‘di alam saan na napadpad.
Hindi pa man kami nakalalayo
Doon sa O kay sarap iprito
Grupo naman ng mga ibong parang hilo
Ang sa ami’y napahinto.
“Ano ‘yan meeting?”
“Uy ang cute, picture-picture!”
“Cute ba yan? Katakot nga eh”
“Awts. Lupet dami ibon”
Pagbaba ng sasakyan lumingon ako sa paligid
Tinanaw ko ang bawat anggulo ng masugid
Puro bakal, bato at buhangin
At mayroong isang batang uhugin
“Totoy,” sambit ko doon sa batang palangiti
Habang sipon niya’y tumutulo patungo sa kanyang labi
“Bakit walang puno sa tabi-tabi?
Kahit damo o halaman, bakit puro dyipni?”
“Ah ayan ba Ate?,” agad niya akong tinugon
“Ipinatanggal daw po,” ‘yan ang kanyang sagot
“May itatayong mall sa banda roon,
Para daw po umunlad tayo at mawalan na ng simangot.”
Ibinalik ko ang tanaw sa mga mayang tila sumisigaw
At bigla kong naalala ang mga manok na parang naliligaw
Mga walang masilungan, inagawan ng tahanan
Ipinagpalit para lamang sa libangan.
Giniba ang kanilang pahingahan
Pinalitan ng bato ang mga patag na luntian
Hindi na nga ba nag-isip, idinaan sa mabilisan
Pag-iyak nila ay hindi na pinakinggan.
Bumalik kami sa kotse, bumuga ng usok ang tambutso
Muling naglakbay ngunit tumatakbo sa aking ulo
Na kay raming luho ng tao
Kinakayang tiisin pati ang pagluha ng mundo.
Nawawalan na ng kanlungan mga hayop na nakatira dito
Masaya nga tayo pero sila’y nagkakagulo
Daig pa natin magparusa ang mga walang puso
Daigdig na hindi naman atin ngunit ating tinatrapo.
Ito ay kalahok para sa patimpalak sa pagsulat ng tula ng Saranggola Blog Awards 2010.






wah ang galing nung L.I.K.A.S. Y.A.M.A.N. brilliant!
galing mo talaga! kung di ka pa manalo naman niyan o
wow brilliant daw. english.
i’m scared hahaha
ang cute naman.. hehehe ^_^
salamat lourraine heehee
mabuhay ka!
nice tula kaso mejo mahaba but then naiparating naman ang mensahe, kaso lang mejo mahaba talaga.
aheehee oo nga kuya. mahaba talaga
salamat sa pagtyatyagang basahin ng bonggang bongga
lab itttt!
))) galing mo mam! hehehe..
nice poem…
lalu n ung telebabad…
wahaha!
tyaga tlga ni mam zy…
super haba.. akala q n0vel na..
wahaha! Peace… luvu po…
ur my id0l na… hehe!
ang lakas mang-asar eh hehehe di bale, maraming salamat
.,nice cutie aman… =)
ahee cute din ikaw
worth the read dahil ang ganda ng mensahe.nabigyan ng kahulugan bawat titik sa likas-yaman.
napadaan lang po at naki comment.
ahee maraming salamat sa pagdaan
at pagcomment
[...] cuteberl. toyangxcore. batangmangyan. batanglate. thysecretgarden. salbehe. machongbutiki. zyramae. tuwatula. paulpruel. anakngpiso. mispah. foobarph. pengengbente. tsiremo. row3na. lostpiratekeko. [...]
Nice piece of Poem maam..
binibining Kalikasan hehehehehe…
haha diwata nalang ng kalikasan
gawa pa po kayo…
cge… ahihi meron dito nasa category ng literature
nice one…
Maligayang pagbati po! Umaasa po ako na maghahatid sa inyo ng tuwa ang aking pag-kabit (link) ng inyong sapot-lugar (web site), kasama ang lahat ng kasali sa Saranggola Dos, sa aking 2Rivers na kung saan lahat kayo ay malugod na inaanyayahan. Maaari din po ninyong ikabit ang inyong sapot-lugar sa MukhaLibro Pader (Facebook Wall) ng inyong likod. Tara, tena! Sumasainyo ang Pwersa at mabuhay ang panitikang Pilipino! Lubos na gumagalang, Jonathan Aquino
wow oo naman
sige!