oo.
pumunta kami sa enchanted.
at oo.
takot ako sumakay sa space shuttle.
ano naman?
heehee. pramis. ang saya ng biyernes ko (setyembre 24) kahit na nagsimula ang araw ko na sumakit ng malubha pa sa sore eyes ang puson ko.
una. ayoko talaga sana sa enchanted. ang init init kasi na para talaga namang manlalagkit ka pag dumikit ka sa singkit
) kaso, aun na, wala eh. nag-enjoy na ako ng todo.
uminit pa nga ang ulo ni mhon kasi nagcommute kami heehee kaya siya nalang palagi ung kumukuha ng photos namin.
maraming tao. sobra. di ko alam kung sabay sabay naming naisip gumala to the max pero ang nakakatuwa — SOBRANG DAMING BATA at teenagers na hayok na hayok sumakay ng mga rides na hindi ko kayang sakyan. sabi ko nga nun, pag ako nagkaroon ng sarili kong eskwelahan, di ko sila pagfifield-tripin sa Enchanted Kingdom — hindi naman kasi ineexplain dun ang paggana ng pulley, ng mga screw, ang gravity, atbp. basta nag-eenjoy lang. basta ganun. nakalagay pa naman sa mga bus — “Educational Tour” >_<
sa sobrang init, ang unang stop na lang tuloy namin eh ang uminom ng buko juice =.= sana sa gilid nalang kame ng school uminom di ba? haha
…and the rest, is history. isang napakagandang memory
Sa tapat ng Space Shuttle:
Natatakot akong sumakay ng Space Shuttle >_< Hindi dahil sa takot akong mahulog o kahit ano. Basta natatakot ako. Basta. Ayun. Habang gumagala-gala ang karamihan, at habang ang iba’y nakapila sa Dodgem, naglakad lakad rin naman kami ni Zen
Sa Boulderville
Sa up up and away ba ito, basta.
Tree House — hindi namin alam ni Zen kung pede ba kaming dalawa dito. Sobra. Puro chikiting kasi ang naglalaro sa lugar na ito. May bridge at slide dito.
Pagkatapos makasakay ni Zen ng Space Shuttle, dumating si Bunny. At dun na nagsimula ang EDSA ni Zen, hindi makamove-on sa sobrang saya
)
2006 ata un nung una akong nakarating sa EK. Hindi ko alam. Kinakabahan ako dati dito, pero ngayon, parang wa-epek. As in ang boring ng ride na ito pero in fairness, nakakaiyak ang movie (chos!)
Marami rin akong nakitang Pinoy na hindi marunong sumunod sa simpleng batas ng Theme Park na ito. Maraming pa rin ang nagyoyosi, hithit buga na parang wala nang bukas =.= Mga hindi makaintindi, kalat naman ang notice na ito:
Nagflying fiesta pa kami. Malaki ang circumference ng ride na iyon kaya hindi ka madaling mahihilo pero gayunpaman, may kasama kaming duwag at ayaw sumakay sa ride na ‘yon lols kaya nagyaya na lang cya ng Rio Grande na talagang inabot kami ni bunny ng galit ng tubig — naligo naman kami =.=
May halong kalituhan ang Biyernes na ito, pero kasama ko ang pamilya ng NSTP, REGISTRAR at si Bunny — kalimutan man ako ng iba, mas marami naman ang pumalit, ang nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon sa biyayang ito

















Zy, I really like this blog.. You narrated the details with your funny wits.. I did enjoy that with you and the rest of the group.. Mwaaah!
aheee thanks zen, dami natin photos oh
zai, super saya, syang d ako nkasama, kulit ng narration, galing mo tlg,. ^^,
thanks tin
Ang cute ng mga photos.. nakita ko ulit.. hehehe advance merry christmas.. ♥